Ang kailangan naman talaga ni Karl ay panandaliang liwanag dahil brownout sa kanila. Ang solusyon niya? Magnakaw ng kandila sa sementeryo. Pero kasama sa pagsindi niya ng kandila ay paglitaw ng isang maarteng engliserang multo at higit sa lahat isang Swiftie, si Fairy. At habang na-di-develop ang kanilang mga feelings habang kumakanta-kanta ng You Belong With Me, susubukan nilang hanapin ang sagot sa tanong na paano mo paninindigan ang isang bagay na sa simula pa lang, alam mong may katapusan na?
5 parts