Kilala ang mga Flores sa industriyang showbiz kaya ganun na lang ang expectations ng mga tao na maging modelo o artista din ang nag iisang anak ng mga Flores na si Ashlynn Leonè Flores, ngunit may ibang plano si Ashlynn at hindi kabilang dun ang pagpasok sa showbiz. Gusto niya maging isang tanyag na Journalist na siya namang hindi sinang ayunan ng kanyang ina. Kaya naman kaagad na tinanggap ni Ashlynn ang trabaho na binigay sa kanya ng boss na magsulat ng impormasyon tungkol sa kilalang grupo ng kalalakihan sa bansa. The K!NGS, nakatulong din sa kanya ang paghahanap ng mga ito ng katulong na pinasok niya para mas mapadali ang trabaho. Marami siyang nalaman tungkol sa mga ito na paniguradong magbibigay sa kanyang career ng isang big break, pero handa nga ba siyang isuko ang pagkakaibigan at pagmamahal na nahanap niya sa piling ng grupo? Handa nga ba siyang isuko si Austynn Chaz Kavinsky ang lalaking nagmahal at nagpagbago sa kanya?