May mga bagay o pangyayari sa ating buhay na pilit nalang nating kinakalimutan. Maski pa masayang ala ala ang mga ito. Ang tanging mahalaga lang sa atin, makalimutan ang lahat ng bagay na magdudulot ng sakit sa atin. Lalo na kung ang mga ala alang ito ay taglay ang taong minsan nang naging sentro ng ating munto. Pero paano? Kung sa mapayapang karagatan, isang malaking alon ang biglang bumulabog? "Kirino.. natagpuan rin kita. Nandito ka lang pala. Mahal ko" Isang tinig mula sa aking likuran ang aking narinig. Hindi ko alam kung tuwa ba at galak ang aking mararamdaman. Ang boses na iyon... Ay walang iba kundi si... "Sino ka---shin... shindou?" Napagtanto ko na tama ang aking hula nang magtama ang aming mga mata. Walang duda... Si... Shindou nga. Bakit ka pa bumalik? Bakit kung kailan ayos na ako... Bakit kung kailan... Nilimot na ng buong pagkatao ko ang presensya mo? Patak ng mga luha ang walang tapos na nagsibagsakan mula sa aking mga mata. Batid ang pagkabigla at pag aalala sa kanyang mukha. Sinubukan nya akong lapitan ngunit sa hindi ko inaasahang dahilan, kusang humakbang palayo ang aking mga paang ramdam ang pagkangatal. Hindi ko mapigilang lumuha ng labis. Siguro ay dahil na rin sa katotohanan na kay tagal na rin simula nung huli ko syang iniyakan. Akala ko ayos na ang lahat. Akala ko kaya ko na na wala sya. Akala ko sapat na sa aking ang mabuhay ng tahimil dito sa mundo... Kahit wala siya sa piling ko. Pero... Mali. Maling mali. Nagkamali ako. "Shindou..." Tawag ko sa kanya. Nagulat ako nang pares ng kamay ang sumapo sa aking luhaang mukha. "Shh... Magiging ayos din ang lahat." Teka... Bakit... Ibang boses na ang naririnig ko? "Kyou..suke?" "Kirino... Nanaghinip ka na naman ba ng masama?"