Nagising ako na ang bumungad sa akin ang kadiliman.Hinanap ko ang liwanag ngunit pilit ako nitong pinagtataguan. Panibagong buhay.Panibagong libro.Pupunan ko ang mga malinis na papel upang mabuo ko ang bawat kabanata ng aking buhay. Matagal kong hinangad na maging malaya subalit ang kahulugan ba nang kalayaan ay ang mabuhay sa kadiliman?. Kung gayon,malaya na ako.