Ang Silangan ay sagana sa lahat. Biniyayaan sila ng kanilang mga ninuno ng matabang lupain upang sakahin. Tinitingala din ang kanilang tribo dahil sa husay nila sa pakikidigma at dunong sa pamumuno. Nasa kanila ang pinakamahuhusay na babaylan at nakapailalim sa kanilang kapangyarihan ang Kanluran, Timog at Hilaga. Ngunit sa hindi malamang kadahilan ay may salot na siyang nagdulot ng pagkalipol sa karamihan sa kanila. Ang mga makapangyarihang babaylan ay hindi nakaligtas. Bumagsak ang Silangan dahil doon. Kasabay ng panahon ng pagkalipol ay ang pagsilang ng isang sanggol. Si Kh'ara-i. Sa dugo niya ay nananalaytay ang husay ng isang babaylan. Ang huling pag-asa ng Silangan sa muling pagbangon. Siya ay namumukod-tangi. Nasa kanya ang kapangyarihan ng ispiritu ng kanilang mga ninuno. Siya ang huling babaylan sa Silangan.