Isang sumpa ay binitawan nang ang pinuno ng samahan ay pinagtaksilan. Pagsapit ng ika-anim na kaarawan ni Elora tila ba'y nagsimula na ang bangungot ng lahat sa lugar ng Sequestia, hindi mabilang ang pinatay at pinahirapan. Magpasa hanggang ngayon ang sumpa ay nanatili kahit na pinatay sa pamamaraan ng paglunod si Elora. Tatlong kabataan, ipinagtagpo ng tadhana dala na din ng kuryosidad sa sumpa. Saba'y saba'y nilang uungkatin ang nakaraan upang tuldokan ang kamatayang nagbabadyang maghasik muli ng lagim. Demonyo laban sa mga mortal. Rebelasyong hindi mo inaasahan. Halina't tuklasin natin Ang Sumpa ng babaeng si Elora.