Nick Salvador is a 2nd year mechanical engineering student na kahit kailan man ay hindi pa nakakahalik, na taliwas sa mga kumakalat na balita sa buong University. Hindi niya inaasahan na mahulog sa isang dancing student. Kahit na kabisado at alam niya lahat ang physics ng mga bagay-bagay, aminado siya sa sarili na parehong kaliwa ang kanyang mga paa at ni minsan ay di pumasok sa kanya na magka-girlfriend ng isang dancer. Carrie Kingston is also in her second year majoring in Arts and Dances. Lumaki siya na hindi nangangarap na magpa-kasal at may matibay na pader pagdating sa pagpapasok ng mga lalaki sa buhay niya. Ngunit ng may lalaking nagpakilala bilang asawa niya, unti-unti nang lumalabo ang dati niyang mga pinaniniwala at natututong magpadala sa mahika ng pag-ibig. Ngunit paano kung isang araw, ang lalaking handa niya ng pakasalan ay naaksidente at ang tanging maitutulong niya dito ay putulin ang responsabilidad bilang asawa nito sa kanya at ama ng dinadala niya. Author's Note: Ito ay aking original na isinulat at anumang pagkakapareho sa ibang mga kwento ay nagkataon lamang. Maraming salamat! Welcome readers! Pls. Let me know if you like this story. Thank you and enjoy reading!