Ultimate crush ni Ada si Kenzo. Para sa kaniya, ang lalaki lang ang may karapatan sa love life niya kahit suntok sa buwan ang mapansin ng katulad nito. Bukod kasi sa sobrang talino at sobrang guwapo ng lalaki, milya-milya din ang layo ng mundo nito sa kaniya. In short, mayaman ito at siya ay kabilang sa mababang uri ng societies. Ngunit sa di inaasahang pangyayari ay nabigyan ng chance ang pangarap niyang mapansin ng isang Kenzo Alleje. Senyales na ba iyon para mangarap pa siyang muli kasama ito? O makuntento na lamang sa pasulyap-sulyap dito?