Part 1

20 0 0
                                    

"Alam mo kung ice cream lang yan si Kenzo kanina ko pa inagaw sayo! Para ka nang tanga kakatitig sa crush mong hindi ka naman pinapansin."

Hindi pinansin ni Ada ang sinabi ng atribida niyang kaibigan na si Jennie. Wala siyang balak kumurap dahil baka biglang mag-teleport ang araw-araw niyang pinapangarap.

"Hoy! Mahiya ka naman yung laway mo tumutulo na." Napa-aray na lang siya ng biglang may parang tumusok na karayom sa bunbunan niya. Agad niyang kinamot iyon at tiningnan ng masama ang kaibigan. Hawak-hawak pa nito ang dalawang hibla ng kaniyang buhok.

"Buwisit ka!"

"Sa wakas nagising ka rin!" pumalakpak pa ito bago tinapik ang hita niyang nakaharang sa inuupuan nito. "Maaga pa para managinip! Tigilan mo na iyang kakapantasya mo sa alien na yon!"

"Inaano ka ba ni Kenzo ko, ha?"

"At kelan pa siya naging sayo? Baka nga pangalan mo hindi niya alam!"

Matagal na niyang kaibigan si Jennie. Bukod kasi sa pagka-kaibigan ay mag-pinsan din sila. Sabay silang lumaki at sabay natutong magbasa at magsulat. Sabi nga ng iba, they are twins. Kaya kahit ano pang ugali nila, masama o mabuti ay sila lang din ang nakakaintindi. They are sisters and yet, partners in crime.

Muli niyang ibinalik ang tingin sa lalaking nagbabasa ng libro sa di kalayuan. 'Hay ..ang pogi talaga ng my loves ko.' bulong niya na itinanggi naman ng katabi.

"Pogi na yan sayo? Iyang mukha na parang pasan lahat ng problema sa mundo?"

"Madami ka ng sinasabi sa araw na to ah! Huwag mong madamay-damay si Kenzo dyan sa galit mo kina Tita."

Sumimangot ito. Bago kasi sila umalis ng bahay narinig niya ang pagtatalo ng magulang ni Jennie kaya hindi nakapag-tatakang badmood ang pinsan.

"Let's go somewhere after class."

"Ayoko nga. May group study kami. Ayokong palampasin ang pagkakataong makasama si Kenzo ko no!" tila siya bangag na nakalutang sa hangin habang iniisip ang mangyayari mamaya sa bahay ng lalaki. Yes, Kenzo Alleje is her classmate. They are both in senior class now.

"So mas importante pa ang lalaking yon kesa sakin na kadugo at kadikit-pusod mo?"

"Hello.... were not twins. And for your information Jennie Anne, mas importante ang grades ko at walang kinalaman si Kenzo doon! Mahal lang talaga ako ng diyos kaya niya ko binigyan ng pa-bonus. Early Christmas gift daw kaya wag kang umarte diyan!"

"Adalyynnnnn!!" halos mabingi siya nang isigaw nito ang pangalan niya malapit sa kaniyang tenga. Hindi na siya nakapag-react dahil agad umalis ang pinsan niyang inaabot na naman ng delubyo.

"Ada?"

Feeling niya tumigil ang pag-ikot ng kaniyang mundo nang marinig ang boses na tumawag sa pangalan niya. 'Teka..siya ba talaga ang tinatawag nito?' Bakit parang di ito sigurado?

"Adalynne?"

Nilingon niya ang lalaking gumugulo sa puso at isip niya. "Yes? May kailangan ka?"

"You're Adalynne?"

'Anak ng tokwa naman! Really?'

"Oo. Bakit?" Okay na sana yung intro eh. Nagbubunyagi na sa kasiyahan ang kaloob-looban nya pero bakit naman ganoon? Ilang buwan nalang magtatapos na yung klase pero hindi pa ito sigurado kung sino si Adalynne? Talaga bang mataas ang IQ nito?

He close his book and walked towards her seat. Ibinigay nito ang librong hawak.

"Anong gagawin ko dito?" nag-tataka niyang tanong sa lalaki. Tumaas ng bahagya ang makapal nitong kilay na lalong ikina-gwapo nito. 'Utang na loob Ada!'

YOU'RE MINEWhere stories live. Discover now