Si Ariadne ay isang babaeng lumaki sa mahirap lang na pamilya. Pero kahit kelan ay hindi nya ito ikinahihiya, dahil kahit mahirap o kapos-palad lang sila, puno naman sya ng pagmamahal galing sa kanyang mga magulang. Lumaki syang mabait, mapagmahal, matulungin, at maawain. Napakasaya ng magulang nya na ipinanganak sya at lumaking responsableng babae. Wala na silang maihihiling pa dahil masaya na sila sa kung ano ang meron sila. Hanggang sa dumating ang hindi inaakalang pangyayari na mamatay ang kanyang Ama dahil sa isang malubhang sakit. Labis silang nalungkot, pero hindi ito naging hadlang upang ipagpatuloy ang kanilang nakagisnan. Wala na silang magagawa dahil nangyari na, kaya habang buhay pa sila sa mundong ito, ipinaparamdam na nila na mahal nila ang isat-isa. Isang araw, may natanggap silang mensahe mula sa kaibigan ng kanyang Ama. Nalaman din nila ang nangyari at inalok na doon nalang tumira sa kanila. Sa tingin mo, ano kaya ang magiging desisyon ng mag-ina? Papayag ba silang iwan ang tahanan na minahal nila ng lubos o hindi? Ano naman kayang mangyayari sa kanila kung sakaling doon na sila titira?