Marahil sa bawat umagang may pangamba'y patuloy pa rin tayong gumigising sa kadahilanang naghihintay ang mga mahal natin sa buhay. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari'y ang buhay na matagal mo nang binubuo'y sa isang iglap ay magugunaw na lamang na parang isang kastilang buhangin na pilit mong binubuo tuwing nagda-dagat kayo noong bata ka pa. Sa isang iglap, hindi mo aakalain na... Mabilis lang pala talaga ang buhay. Mabilis lang pala talaga ang oras mo sa mundong ito. Bakit hindi mo piliing maging masaya? Sapagkat sa muli nating pagkikita, hayaan mong ang langit ang umukit ng ating tadhana.