Si Sencio Mercado ay isa sa mga pinakamagigiting na mandirigma sa napakayamang Kaharian ng Maharlika. Sa taglay niyang kisig at lakas ay maraming mga alipin ang nakamata sa kaniya. Sa kabila noon, may isang mahalimuyak na mirasol ang tinitingala ng binata na kilanman ay hindi siya nagawang pansinin. Ang mirasol na ito ay si Perfecta Realonda. Ang magandang dalaga ay anak ng datu na naghahari sa nasabing kaharian. Napakaraming prinsipe mula sa iba't ibang kaharian ang nanligaw sa kaniya, ngunit tila may bigat sa loob ng binibini na pumipigil sa kaniyang magmahal. Nang magsalubong ang landas ng dalawang pusong uhaw sa pangangalaga ay tila naging kasing tingkad ng araw ang kanilang mga ngiti. Bagaman napakaraming humahadlang, ang isa't isa ang naging pahinga ng dalawa. Ngunit dahil sa taglay na yaman ng Kaharian ng Maharlika ay pinagtangkaan itong sakupin ng Kaharian ng Espanya. Magagawa kayang manaig ng pagmamahal sa gitna ng nakagigimbal na kaguluhan? Maililigtas kaya ng kampo nina Sencio ang kanilang lupain? Tunghayan ang kuwento ng isang maalamat na pagmamahal: Ang Alamat ng Mirasol. so much