Isulat ang mga saloobing hindi mabigkas, Baka dito mahanap ang kapayapaang wagas. Mga hinaing na gusto mong malaman nila, Pero natatakot na baka walang pumapansin sa kanila. Pag butihin mo na lang ang hinahasang talento, Para mas makikilala mo ang iyong pagkatao.