Sa mundo, maraming kulay kang makikita. Iba't ibang kulay na nakakahalina sa mata. Pero may mga taong pinagkaitan nito. Kinakailangan pa nilang bumuli ng isang salamin para lang makita ang tunay na kulay ng bawat bagay na nakapaligid sa kanila. Isa na d'yan si Maria, isang babaeng matagal ng naghahangad na makita ang tunay na kulay ng mundong kaniyang ginagalawan. Hindi man niya nakamit ang pangarap ng maaga, nakamit naman niya ito mula sa taong lubos na nagmamalasakit sa katulad niya.