Ang isang "Pawang Kalokohan" na napunta sa "Pakiramdam na hindi Maintindihan" hanggang sa nasabing "Mahal ko na sya" ngunit napunta na lamang sa salitang "Waring di kayang Sabihin isinisigaw ng Puso kahit na kaytagal" Si Maezelle ay isang mag aaral ng Adriel University o AU, ang isa sa pinakakilalang unibersidad sa buong Cavite. Siya ay biktima ng bullying noong siya ay nasa grade 7 pa lang. Nang dahil sa insidenting yun ay mistulang nagbago ang kanyang ugali, ang dating masayahin sa klase ay naging tahimik at walang kibo. Napuno sya galit at paghihinagpis , at ang naisip nyang paghihiganti ay ang mas higitan pa ang mga taong nanakit sa kanya, kung kaya't wala syang ginawa kundi ang mag aral ng mag aral at magpakitang gilas upang ipakita na hindi na sya katulad ng dati na mahina at nilinang niya pa lalo ang kanyang sarili. Ipinakita na iba na siya sa dating Maezelle na kilala nila. Hanggang sa may isang "Draven" na nahulog at napa-ibig kanya. Nagpapansin at inaasar ngunit tila waring Maezelle ay walang pakiramdam. Hanggang sa sila'y nagkahiwalay, tila puso nya (Maezelle) ay nakadama ng pagkukulang. Ang dating matatamis na ngiti ay lumisan na, ang dating bond ay nawala na. Hanggang sa nasabing mahal "niya" na ngunit sa kasamaang palad mayroon nang "iba". May nararamdamang kaunting pag asa ngunit, ang tanong kakapit pa ba?
7 parts