Matagal na panahon ng hinintay ng mga tao ang pagtupad ng propesiya sa libro ng Bebielle para ituro ang katotohanan sa mundo ng Hevearth, ang daan patungong Ederniya at ang tungkol sa kanilang tagapagligtas. Ngunit sa panahon din na iyon, maraming nagsisilabasan ng mga nagpapanggap bilang mga tagaprotekta ng Ederniya. Pero, ang mga propesiya na iyon, ay unti-unting matutupad, at nagsimula ito sa isang babaeng nagmula sa Persihana, ang babaeng puno ng karunungan at pananampalataya mula sa Alohem. Inatasan syang hanapin ang iba pang mga tagaprotekta upang ipaalam ang katotohanan at ang kanilang misyon bilang tagaprotekta ng Ederniya. Ngunit, makakayanan ba nya na magkaroon ng pagsasama at pagmamahalan ang mga iba pang itinakdang tagaprotekta ng Ederniya kung ang isa doon ay ang kanyang dating matalik na kaibigan na ngayon, ay naging mortal nyang kaaway.