Simula pagkabata, sarili lang nya ang kinakapitan nya sa lahat ng oras. Mahirap para sa kanya ang magtiwala, lalo na sa mga lalaki. Kaunting tabig, haplos, at hawak lang ang dumampi sa kanyang balat mula sa karaniwang uri ng lalaki ay nagdudulot na sa kanya ng takot, galit, inis, at lungkot na nanatili sa kanya dulot ng nakaraan. Para makamit ang hustisyang ninanais, bumalik sya sa nakaraan. Ang misyon sa likod ng barya ay makamit ang hustisya, hangga't hindi nakakamit ng taong may hawak ng barya ang ninanais nito, hindi s'ya makakabalik sa kasalukuyan. Paano nga ba n'ya maisasakatuparan ang kanyang misyon? At paano rin n'ya mababalikan ang unang lalaking napagkatiwalaan n'ya sa kasalukuyan? Makakabalik pa nga ba s'ya? (This is a work of fiction. Names, places, events, businesses, characters etc. are all came from the author's imagination. This is just an author's tactic to express herself, any events that are related to real life, actual persons; living or dead, are really coincidental.)