'It was a stupid kind of love, she knew, but it was a love she was now desperate to keep.' ____ Ayaw na ni Nathalia na magmahal. Pagkatapos ng paghihiwalay nila ng kasintahan na nagtaksil sa kanya, ang pag-ibig ang pinakahuling bagay na gusto niya. Pero nagising na lang siya na may lalaking kayakap. No, hindi niya ito iniuwi sa bahay niya-gaya ng mga eksena sa mga pelikula at nobela kapag sawi sa pag-ibig ang bida. Bigla na lang lumitaw sa tabi niya ang binata at nagpakilala na isang Tagabantay. "Nakikita mo ako tuwing pakiramdam mo nag-iisa ka," wika nito "Last night, your heart wished for something. Kaya ako nandito." Mananatili daw ito sa tabi niya hanggang sa matapos nito ang misyon para sa kanya. Pero hindi niya gusto ang mga sinasabi ng binata. Dahil hindi na muli siya magmamahal. Hindi na muli siya susugal. Kahit pa sinasabi nito na hindi siya magiging masaya kapag tumanggi siya.