'Never akong hahalik ng babae. As in NEVER.' Ito ang sabi ng gwapong bida ng kwentong ito, si John Robert Villacarlos, ang lalaking may tinatagong kalandian sa kanyang katawan. Yes! Yes! Yes! Siya daw kuno ang 'the most pretty gay in this world'. Ang kapal no? Pero dahil sa hindi inaasahang pangyayari, biglang nagbago ang takbo ng kanyang buhay. "What? How? Why? Where? When? Who?" ika nga ng kaibigan niyang chaka na si Milo. Dahil sa kahibangan niya sa gwapong si Brix del Rosario na my loves niya daw ay mapipilitan siyang gamitin ang isang bagay na binili niya sa isang mahiwagang nilalang na si Manang Bbie. Hmm. Ito na ba!? Magkaka-love life na kaya si pretty boy Jr!? Este! Pretty gay daw pala siya. Ayun nga mga Bbies ko! Tumpak kayo d'yan. Gagamitin nga ni Jr ang love potion para mapa-ibig si Brix pero dahil sa mapaglaro nga ang tadhana. Oh my star! Si Beauty Salazar ang nakainom ng love potion. Hmm. Naku! Naku! Paano na kaya ang love life ni baklang John Robert Villacarlos? Alamin at basahin dito lang mga Bbies ko, sa isinulat kong kwento. Ang... LOVE POTION