Lumaking walang ama si Jewel ngunit gayun paman ay hindi ito naging dahilan para sumuko siya at malugmok sa buhay. Hindi rin nagkulang ang kanyang ina sa pag payo sa kanya araw araw na bawal pa siyang mag boyfriend. Kahit takot at malupit ang kanyang ina ay nagawa niya parin itong suwayin sa ngalan ng pag ibig. Ngunit isang araw ay nagising na lamang siyang hindi na pala siya ang nasa puso ng kanyang boyfriend na si Cyrille, at ang pumalit sa pwesto niya ay ang kanyang sariling ina. Doon narin nagsimula ang lamat sa relasyon nilang mag ina at kahit masakit ay nagawa niya paring mag paraya at piniling lumayo nalang para sa ikabubuti ng lahat. Sa kanyang pag layo ay hindi niya inasahang makakatagpo pa siyang muli ng panibagong pag ibig sa piling ng makisig na binata na si Ludociel. Ngunit paano kung isang araw ay malalaman niyang ikakasal narin pala ito sa iba? Ang pag ibig ay hindi sakim ngunit hanggang kailan siya mag paparaya?