Ang NAKARAAN ang sagot sa kasalukuyan. Magkita tayo sa lugar kung saan nagmula ang mga letra ng pag-ibig ko sayo. Aasahan ko na pauunlakan mo ang aking paanyaya sa gabi ng NAKARAAN. -MisterRee Iyan lang ang nakasulat sa maliit na kapiraso ng puting papel. As usual, nandito ko na naman natagpuan ang liham na nagmula kay MysteryWriter sa aking locker. Pero ano raw? Magkita raw kami saan? Ito na naman yung mga linyahan niya na hindi ko maintindihan kung nagmula ba sa sinaunang panahon or alien ang nagsulat. Napakamatalinhaga, aba! Pero, panahon na nga ba na kami ay magkita? MisterRee Writer, sino ka ba talaga?