Si Ulysses Cedeño ay isang transfer student sa Don Enrico Highschool. Isa siyang masipag at mabait na mag-aaral ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay makakabangga niya ang tropahan ng sigang si Junrhey Babor na isa sa mga siga sa eskuwelahan. Dahil dito ay magiging mahirap para sa kanya ang bawat araw sa eskuwela. Ngunit isang araw sa pagtatago niya sa mga ito ay may mapupulot siyang kwintas. Isang misteryosong kwintas na pagmamay-ari ng dating pumanaw na estudyante na si Michaella Ajesta. Ito ang magiging simula ng sunod-sunod na hindi maipaliwanag na pagkamatay ng tropahan ni Junrhey. Sino nga ba ang serial killer sa likod ng kanilang pagkamatay? Ano ang sanhi ng misteryosong pangyayari na kahit mismong si Ulysses ay hindi maipaliwanag?