Sa mundong bilang lang ang bawat oras para makasama ang taong mahal na mahal mo, handa ka bang pigilan kahit ang tadhana na gusto kayong paghiwalayin? Sa kwentong ito, masusubukan ang pagmamahal ni Art para kay Mosy sa sandaling mawala sa kanya ang lahat kasama na ang kanyang ala-ala.