Ilang lalaki na ba ang dumating sa buhay ko? At laging "wala! di den nag work" Ilang lalaki na ba ang nagpakilig sakin? Ilang lalaki na ba ang sinugalan ko? Ilang lalaki na ba ang minahal ko? Minsan iniisip ko na baka ganun talaga baka karma yun na sakin nangyare kasi yung papa ko dating playboy at sa akin nabalik ang karma nya. Baka talagang walang lalaki para sakin? kunsabagay sino bang hindi madadala sa paulit ulit na sakit? Bakit kasi ang rupok ko? bakit kasi ang lambot masyado ng puso ko? maldita naman ako pero pag dating sa pag-ibig natutunaw ako matalino naman ako pero pag dating sa pag-ibig nabobobo ako maganda naman daw ako pero bat daw ako pumapatol sa di kagwapuhan at manloloko pa Actually dati ang gusto ko sa lalaki ay gwapo,matalino,matangkad at may magandang mata Pero as I grow up dito ko narealize na hindi natin kailangan ng kagandahang pisikal dahil ang importante ay yung taong mamahalin ka kahit sa pinaka worst mong sitwasyon Kaso mapapapunyeta ka na lang eh di na nga gwapo ,manloloko pa Kaya nadadala ako eh . Basta ako ? AYOKO NA ! Tahimik naman ang buhay ko okay na ko sa sitwasyon na meron ako Pero talagang ulul din ang tadhana Pinadala nya ang isang tao na gugulo sa buhay ko .