Bakit ang unfair ng mundo? Bakit kailangan pang pagtagpuin ang mga taong hindi naman para sa isa't isa? Bakit kailangan pang masaktan? Iilan lamang yan sa mga tanong na pumapasok sa isipan ko. Hanggang ngayon sariwa parin ang panahon na iniwan ako ni Shaun. Hanggang ngayon hindi ko parin makalimutan ang alaalang dapat ay ibinabaon na sa limot. Para itong sugat na nung naghilom ay nagkaroon ng peklat at kahit kelan ay hindi na ito matatanggal pa. Habambuhay na itong mananatili sa iyo. Sana all diba habambuhay mananatili. "Mom why are you crying?" tanong ng anak ko. "Wala baby, Mommy's okay." pangkukumbinsi ko dito "Are you sure Mom?" pagtatanong ulit na tila ba hindi naniniwala sa akin "Yes baby" sabay ngumiti ako dito ngunit pilit "Mom, can you tell me what happen to Dad?" nagulat ako sa kanyang tinanong at animo'y bumalik ako sa simula.