*wang! *wang! *wang Tila walang tigil ang sirena ng mga pulis pagdating nila sa International Academy. Agad na pumasok ang mga ito sa paaralan para inspeksyonin ang mga nangyari. May isang pulis naman ang nagpaiwan para maging bantay para sa kung anong posibleng mangyari. Tumingin-tingin sya sa paligid para maging alerto sa paligid ng may mahagip sya sakanyang paningin na kumikinang na bagay. Agad nya itong nilapitan at kinuha. Pumasok sya sakanyang mobile car para inspeksyunin ito. Isa itong DSLR camera, triny nya itong buksan, at bumulaga sakanya ang mga pictures sa crime scene. Iniisa isa nya ito hanggang sa may bumuong pigura ng babae malapit sa crime scene. Agad nyang pli-nay ang video sa sumunod na picture. "Ikaw!, ikaw ang pumapatay?!" sabi ng babae na nakatayo sa may tabi ng DSLR camera. Hindi ito kita pati na rin ang kausap nya. "Hindi ako ang pumapatay!, pero para sayo at sa mga kaibigan mo, gagawin ko!" naging malabo ang pagkuha ng video sa DSLR camera dahil nasasagi ito sa kumosyong nangyayari. Hanggang sa hindi inaasahan, tumambad ang mukha ng salarin sa camera...
4 parts