Magandang tanawin, malinis na kapaligiran at preskong hangin. Katangian ng lugar na kinalakihan ni Pangga. Kung saan sya natutong umakyat ng puno na parang unggoy, sumisid sa dagat na parang dugong at magpabalik-balik sa bundok na kasing astig ni Kingkong para lang kumuha ng panggatong. Payapang namumuhay kasama ang kanyang Ina na hindi man mukhang Dyosa pero may lutong pangmasa na syang puhunan sa kanilang karinderya. Sa kanilang simpleng pamumuhay hindi maiiwasan ang kulang sa kanyang buhay na hinahanapan nya ng pang Ms. Universe na kasagutan. Dagdagan pa sa pagsulpot ng isang estranghero... na mahilig umorder ng kunot nuo sa umagahan, simangot sa tanghalian at kasungitan sa hapunan. In short, Pasan nya ang Daigdig, sa sobrang bigat wala na syang oras para ngumiti. OA ba? Oo ganun ang katangian ng isang Frost Silver Peterson para kay Pangga, pero hindi sa ibang kakabaihan sa kanilang lugar na kung ituring ang lalaki ay isang "Living Prince Charming" na kapag dumadaan ay natutulala, dinaig pa ang natuklaw ng king Cobra, kinikilig na parang inasinang bulate at tili na animo'y kinagat ng hipon. Mga mukha naman silang hipon, kain katawan tapon ulo. Hindi sya bitter, nagsasabi lang sya ng katotohanan at pawang katotohanan lamang. Saan hahantong ang kwento ni Pangga? Magkaroon kaya ng karagdagang kulay ang dati ng makulay nyang buhay o ang kanyang mararanasan ang magiging dahilan para mawala ang kulay sa kanyang buhay? Alamin...
33 parts