Si Timmy Bravo ay ipinanganak sa kanilang sariling tahanan. Hindi mabura ang bakas ng katuwaan at kagalakan sa mga mukha ng kanyang mga magulang. Tinuturing siyang Kapre sa kanilang lungsod na tinatawag na Anambongan. Sa malalapad niyang mga kamay at mahahabang binti ay aakalain mong lumalakad ang Eiffel Tower ng Pransya. Ang Kapre ay kinakatakutan ng marami ngunit ibahin niyo siya. Tampulan siya ng tukso at suntukan. Sentro siya ng katatawanan sa kanilang tahanan. Maraming akong katanungan na hindi ko pa lubusan nahahanapan nang kasagutan. Nanaisin mo bang maging matangkad sa likod ng mga tukso at pagaaway nila saiyo? Nanaisin mo bang maging matangkad upang gawin kanilang payaso sa isang peryahan? Nanaisin mo bang Maging isang matayog na tao na tulad ko? Nanaisin mo bang maging Matangkad?