Akala ko may pag-asa pa. Akala ko kaya ko pang itama ang para sa amin. Akala ko kaya ko pa siya ng mahalin. Akala ko para na kami sa isa't isa. Akala ko maaalagaan ko pa siya. Akala ko magkakasama ko pa siya. Pero hindi ko inaasahang dahil sa katangahan at katorpehan ko ay mawawala sa akin ang pagkakataon na para sa amin. May mga panahon talaga na mapagbiro ang tadhana. Akala ko sa mga wattpad stories lang to nangyayari pero di ko inaasahang pwede pala itong mangyari sa totoong buhay.