~Tumingin sa salamin Mata ay ituon saakin Maaring subukan ngunit Ito ay hindi matatakasan Dito kung saan madilim at masikip Nakahalukipkip Pilit ikinukubli ang aking lungkot at pighati Kasama kita ngunit ako ay nag-iisa Ang awit ng puso mo ay siyang tibok ng akin Ang ngiti mo ay ngiti ko rin Tumingin sa salamin Mata ay ituon saakin Maaaring subukan ngunit Ito ay hindi matatakasan Pagkat ako ay ikaw At ikaw ay ako~