Hindi ko alam kung saan ako patungo, basta ang ginawa ko lamang ay tumakbo ng tumakbo. Padilim na ng padilim, ngunit hindi ko ito pinansin, marami na rin akong sugat at napapagod na rin ako. Hindi pwede, hindi pwedeng tumigil ako. Tiyak na maabutan nila- niya ako! Labis ang aking takot at pangamba, tingin sa kaliwa, kanan at akmang lilingon ako sa aking likuran ng makarinig ako ng tinig, isang malamig at nakakabatong boses! At ang kaniyang mga salita ang nakapag- patigil sa'kin... "You can run, you can hide, but you can't escape."