"TULDOK sa CANVAS"   (Popstar Royalty) - POEM for Sarah Geronimo

"TULDOK sa CANVAS" (Popstar Royalty) - POEM for Sarah Geronimo

81 Reads 3 Votes 1 Part Story
Michael Asher Hermo By MichaelAsherHermo Updated Jul 06, 2014

Ano nga ba ang tulad mo para sa akin??

Saan ba nagsimula upang ikaw ay tingalain.

Sapat na bang dahilan ang isang Awitin?

Awiting maituturing na isang likhang Sining.





Maihahambing kita sa isang OBRA MAESTRA

Isang Obrang nagsimula sa sipag at tiyaga

Panahon at Oras, Dugo, Pawis at mga Luha

Ang siyang naging susi upang ako'y mamangha.





Tulad din ng isang sining na nagmula sa tuldok

Tuldok na yumabong saan mang panig at sulok

Talentong pinag-ibayo gaya ng pag akyat sa bundok

Nang marating ang tuktok! di nagbago na parang usok.





Marahil ay di sapat ang sumigaw at pumalakpak

Sa mga musika mo na ang hatid ay tuwa't galak

Ang naramdamang emosyon ay nagbigay kulay at lawak

Lawak ng iyong pangarap! hatid sa amin ng iyong mga pakpak.





Hinangaan kita hindi dahil sa angkin mong galing

Lahat naman ng mang-aawit ay may kakaibang uri ng ningning

Ang nakita ko sayo'y di tulad ng larong papel, bato at gunting

Na kung sino ang papalarin ay siya ang dapat tangkilikin.




...