Tipikal na ma-in love ang isang tao sa pinakamatalik niyang kaibigan. Kahit na sabihin ng iba na hindi dapat mangyari 'yon, alam naman nating closeness ang dahilan kung bakit nahuhulog ang isang tao sa lagi niyang kasama. Isang patunay si Gianna Lexeen Salvador-- ang babaeng nahulog sa kanyang long time best friend na si France Timothy Montreal, na unfortunately ay wala namang gusto sa kanya. At anong magiging role ng isang Calix Gabriel Fuentes sa buhay niya? Hanggang saan niya kayang dalhin ang pagmamahal na 'yon? Will she keep on chasing her best friend? Or will the table turn for both of them? There are only two choices: 1. Let go and be free 2. Get stuck in the in-betweens.