[[ON-GOING]] Genre: Historical Fiction "Kapag ika'y labis na nangungulila sa akin, tumingin ka lang sa langit at titigan ang mga bituin. " Napatingin ako sa madilim na langit. Ang mga bituin natatanaw ng aking mga mata ngayon ay parehang pareha pa rin ng bituing aking natatanaw sa kasalukuyang panahon. Kapag nakabalik ako at mangulila ng husto sa taong ito, alam kong ang bituin lang ang aking magiging sandalan. Dahil ang mga maningning na bituin na 'yan, ang tanging nakasaksi ng pangyayaring ito. Alam kong wala akong mapagsasabihan na naganap ang mga bagay na ito sa buhay ko, aakalain nilang baliw lang ako o kaya ay nagpapantasya. Hindi ko naman sila masisi. Dahil ang pangyayaring ito ay sobrang mahiwaga at hindi kapanipaniwala. Ang makapunta ako sa panahong ito, ang makilala ko ang mga taong nandito, ang maranasan ang hirap dito, ang makasama ang lalaking katabi ko, ay tila lamang kathang-isip at hindi makatotohanan.