Si Alynna Valdez "Yanna" isang kilalang babaeng may kasungitan at pihikan sa lalaki. Para sa kaniya uunahin muna ang pangarap bago ang pag-ibig. Ngunit paano kung maaga niyang makilala si Roberto Montelibano "Trev". Isang kilalang geek at walang kaapog-apog pumorma. Matalino ngunit bobo pagdating sa babae. Pero paano niya mapapaibig ang babaeng matagal na niyang pinapantasya kung ipagpapatuloy niya ang pagiging geek niya? Paano naman kung mag-transform si Trev mula sa pagiging geek hanggang sa isang heartthrob ng kanilang University? Magbabago kaya ang isip ni Yanna na study first muna bago ang love life, kung alam niyang marami siyang magiging kaagaw sa lalaking dating inisnob niya? Tunghayan ang nakakakilig na pag-iibigan nina Trev at Yanna sa "Mapaglarong Tadhana".