Part 2 of Mai-in Love Ka Rin Sa Akin
"Irvin Michael Santos, ang pinaka-makulit at isnaberong alien sa balat ng Milky Way Galaxy. Hindi ko alam kung bakit trip na trip niyang guluhin ang tahimik na buhay ko. Baka naman kasi nakakainip sa planeta nila kaya naisipan niyang magbakasyon dito sa Earth? Siguro nga. Iba na kasi ang trip ng alien na yun. He says he's in-love with me. Echos niya. Eto piso, maghanap siya ng kausap niya." -Eris
"Maria Eris Calderon, ang pinakamasungit at sarcastic na bansot na nakilala ko. Hindi ko alam kung tanga siya o nagtatanga-tangahan lang. Sinabihan ko na nga ng I like you, ni hindi man lang nagpa-I like you too. Walang manners talaga ang bansot na iyan. Naku! Pasalamat siya...kundi ibinaon ko na siya sa lupa." -Irvin
Pagkatapos ng nakakalokang asaran at pag-aaway ng nangyayari sa magulo at sobrang nakakabaliw na buhay nina Irvin at Eris, eto na ba ang panahon para matuloy ang namumuong 'something' sa kanila? Makuha na kaya ulit ni Irvin ang 'I like you too' na inaasam-asam niya? Malampasan kaya ni Eris ang nakaraan niyang pilit siyang binabalikan? My dear readers, basahin ang part two ng istorya ng dalawang taong ito na walang ginawa sa buhay kundi ang mag-away at mag-asaran. Kasama na din ang kanilang mga baliw na kaibigan at pamilya. Enjoy.All Rights Reserved