Ms. Sungit + Mr. Isnabero = ?

320 4 0
                                    

Prologue

        Once upon a time, may isang prinsesa na nakatira sa isang maliit na kaharian…

        “Baka naman maliit lang kasi maliit talaga yung prinsesa.” – Irvin.

        “Tsk. Wag ka ngang umepal diyang alien ka! Gusto mong sapakin kita? Tch. Kita mong nagkukwento ako dito eh.” – Eris.

        “Whatever.” *rolls eyes* - Irvin.

        Ehem. Ehem. Back to the story…

Bago ang ika-labinganim na kaarawan ng prinsesa, isinumpa siya ng tadhana na hindi na maaaring umibig ulit ang prinsesa dahil isang trahedya. Naging malungkot ang buhay ng prinsesa at inisip niyang hinding-hindi na nga siya makaranas magmahal ulit.

May mga nagtangkang alisin ang sumpa ng prinsesa, ngunit sila’y bigo. Ang puso ng prinsesa ay unti-unting nabalot ng yelo ng kalungkutan.

Hanggang sa isang araw, sa hindi inaasahang pagkakataon, may nakilala ang prinsesa na isang emoterong posteng alien na ang trip sa buhay ay sirain ang sleeping routine ng prinsesa.

“Hey! Kung gusto ng prinsesa na matulog ng matulog, dun siya dapat makipag-bonding kay Sleeping Beauty.” – Irvin.

“Gusto mong ikaw ang makipag-bonding kay San Pedro matapos mong matikman ‘tong kamao ko?” – Eris.

Anyway, dahil sa alien na walang magawa sa buhay, unti-unting natunaw ang yelong bumabalot sa puso niya. Sa bawat pang-aasar, panggugulo at pagpapahirap sa tahimik na buhay ng prinsesa…bumabalik ang dating prinsesa na marunong magmahal.

        Ngunit, hindi hahayaan ng tadhana na ganun kadali ang happy ever after ng prinsesa.

“E sino ba kasi iyang tadhana na iyan? Lakas ng trip manggulo sa istorya eh. Sarap ipagulong sa asin.” – Irvin

At dahil nga doon, mahihirapan ang emoterong posteng alien na maibalik ang dating prinsesa…or not. ;)

----------------------------------------------------------------------------

Dear Reader,

        Eto po ang part two ng ‘Maiin-Love Ka Rin Sa Akin’. Isang taon na ng maisulat ko ang last chapter ng first part ng story. Kaya kung hindi mo pa nababasa ang MLKRSA, please read it before reading this, para ma-gets mo yung story.

        Kwento pa rin ito ni Eris Calderon at Irvin Santos at ng mga baliw nilang kaibigan at pamilya. Sana suportahan niyo din ito.

        Maraming Salamat.

Love,

Chris

--

Ms. Sungit + Mr. Isnabero = ?Where stories live. Discover now