Imbes na magalit, mas pinili kong unawain ang nararamdaman ni Joey na ako na kanyang kaibigan ang matagal na pala niyang lihim na minamahal. Hindi naman kasi niya ginusto na mahulog sa akin. Kaya bilang kaibigan niya, tanggap ko ng malaman ko ang tunay na pagkatao at nakahanda akong tulungan siyang maiyon ang nararamdaman niya alinsunod sa kung ano ang pagkakalikha sa kanya ng Diyos. Ngunit ng magkahiwalay kami ng ilang taon, hindi ko alam na kung bakit ganoon na lamang ang pangungulilang nararamdaman ko sa kanya. Tila yata siya ang biglang naging bulong sa aking puso. Hindi naman ako bakla subalit diko kayang pigilan ang sarili kong mahalin siya. Kaya naman umuwi ako sa amin para tanggapin ang matagal na niyang hinahangad na pagmamahal mula sa akin. Subalit paano kung huli na pala ang lahat sa amin?
3 parts