Nagulat nalang ako ng bigla nyang hinitak ang kamay ko kaya naman bigla akong natapilok at agad nya kong sinapo.... Napatingin ako sa mga mata nya at napatikom ang bibig na dapat ay magrereklamo sa paghitak nya.... "Dug-dug dug-dug"....tanging tibok lang ng puso ko ang naririning ko....nagulat ako sa pangyayari pero mas nagulat ako ng bigla nya kong hinalikan ng marahas na para bang sabik na sabik itong matikman ulit ang aking mga labi pero agad ko syang tinulak palayo sakin at natulala sa mga ginawa nya... "H-hindi ko to i-inaasahan...pasensya k-kana..." saad nya sabay takbo palayo sakin Hindi ko alam ang gagawin para akong napako sa kinatatayuan ko ngayon....wala akong nararamdaman kundi ang pananabik na halikan rin ang mga labi nya....mahal ko pa sya...mahal ko pa rin si Ivan...pero pano si Kyel...ayokong saktan si Kyel... Binilisan ko ang paglakad at agad na sumakay sa aking sasakyan at mabilis na pinaandar ito...gusto kong mapagisa...gusto kong mahalikan ulit si Ivan...gusto kong hiwalayan si Kyel at balikan si Ivan...pero pano?...mahal ko silang pareho...ang hirap ng sitwasyon ko...gusto kong lamunin nalang ako ng lupa at ibalik ang nakaraan kung saan nung gabing maghihiwalay kami ni Ivan...gusto kong ibalik ang lahat...