Bata pa lamang ako ay sanay na ako tumira sa maliit na bahay, kahit tatlo kaming magkakapatid at bunso ako, kasama pa si mama at papa ay ayos lang saamin basta buo kaming pamilya. Nabago ang lahat nang pilitin ako nang aking mga kalaro na makapasok sa bahay ng mayor, niyaya kami ng apo ni Mayor Santillan na si Yves Aime Santillan. Manghang-mangha ang mga kalaro ko samantalang ako ay gusto ko nang umalis dahil baka hinahanap na ako nina mama at papa. Nagulat ako nang lumapit sakin ang gwapong bata na si Yves. "Rini, gusto mo din ba tumira sa ganitong bahay? Pakasalan mo ako at dito na tayo titira!" Maligayang sabi nito. Nanlaki ang mata ko at agad itong sinapak sa mukha. Sabi kasi ng papa ko, pag may nambastos sakin ay sapakin ko daw. Nagulat ang lahat nang mga kalaro ko, pati na rin ang mga kasambahay na nakakita. "Bastos!" Sigaw ko, at agad na tumalikod sakanila. At dun nagsimula ang puro walang kwentang proposal sakin ni Yves Aime Santillan. Ranked #24 Feisty
4 parts