Prologue "Oh? Anong value ng x?" tanong ko sa kanya habang tinuturo ang formula na nakasulat sa papel. "Huh? Kailan pa nagkaroon ng value ang X? Walang value ang X no? Wala ka namang value sakin" nakangisi pa niyang sabi bago linukot ang papel at binato sa pagmumukha ko. Buti na lang talaga at nakasalamin ako kaya di tumama sa mata ko. "Alam ko naman, Clyde, eh! Pero pwede ba, magseryoso ka naman dito!" inis kong sabi bago kumuha ulit ng papel at sumulat pa ng isang equation. "Di kita seseryusuhin Zia. You're not my type! You're ne-- Aw! Anong problema mo?" Dahil sa inis ko ay piningot ko ang tenga niya. Ang kitid talaga ng utak ng isang to. Lagi nalang about bf-gf thingy ang alam ng utak! Di ko nga alam kung bakit nagkagusto ako nito sa kanya noon. "Pwede bang magfocus ka muna? Ba't ba--" "Kasi di ikaw ang priority ko!" sabi niya bago ako iniwanan sa loob ng kwarto niya. Napatalungko nalang ako dahil sa inis! Nakakainis talaga ang lalaking yun! Kung hindi lang talaga malaki ang utang na loob ko sa pamilya niya, di ko siya pagtitiisan. "Oh? Tubig muna Zia!" Napatingin ako sa pintuan at nakita si Clayton, ang kambal ni Clyde. Nakangiti siya sakin. Sh*t! Ang gwapo niya lang. Kukunin ko na sana ang tubig na dala niya ng unahan ako ng isang asungot. 😒