Sa sumunod na kanto pagtawid ang 'junction,' natanaw kong may nakabalagbag na barikada sa gitna ng highway at may dalawang sundalo na sumesenyas na kumaliwa patungo sa Bacolor. ' Pagpasok namin doon, unti-unting bumagal ang takbo ng bus hangang tuluyan nang tumigil. Ginulat kami ng pakahaba-habang tutukan ng mga ibat ibang uri ng sasakyan sa layo na abot ng aking tanaw. "LUBOG ANG KABAYANAN NG BACOLOR." Iyan ang naihatid sa amin mula sa pagsalin-salin ng impormasyon sa mga taong naroon. Mabilis daw ang pangyayari at sa isang gilap ay sinagasa ang bukirin at kabayanan ng Bacolor. . . .hindi na makikita ang daraanan na nilibing ng malalim at malabnaw na putikan at mabuhanging tubig na kung tawagin ay "LAHAR". Ang kuwentong ito ay hango sa isang tunay na pangyayari.