May mga oras na sobrang nakakalungkot, nakakabaliw, kung iisipin mo na bakit hindi nalang ikaw pinili. Madaming bakit na pumapasok sa isipan mong wala man lang kasagot sagot. Bakit hindi nila makita halaga mo, bakit hinuhusgahan ka nila sa panlabas mong anyo, bakit siya yung pinili kung ikaw naman tong nasa tabi niya sa lahat ng oras? Tipong bakit ngayon palang niya narealize kung kailan huli na ang lahat.