Taon-taon, sa lupain ng Mithistorima, sa tuwing sasapit ang unang buwan pagkatapos ng panahon ng taglamig, ay nagsasagawa ang Red Union ng isang malaking pagtitipon sa palasyo na tinatawag nilang Isimeria. Ito ay bilang pagbibigay-pugay sa kanilang pagwawagi sa ilang dekadang pag-aagawan sa lupain ng kalabang partido- ang Canary Clan. Espesyal ang araw na iyon sa lahat ng kasapi ng Red Union ngunit mas higit sa lahat ay sa Supreme Power na siyang namumuno sa lupain. Sapagkat sa araw na iyon ay kasabay ng kanyang pagtuntong sa hustong gulang ay ang pagdedeklara ng kanyang tagapayo na malaya niyang mapamumunuan ang bansa kung makahanap na siya ng kabiyak. Samantala, habang abala ang lahat sa palasyo, si Sapphire naman ay abala sa kanyang trabaho sa malawak na taniman ng mga bulaklak. Isa siyang alipin, minarkahan ng tatak ng isang traydor sapagkat galing siya sa pamilyang kasapi ng Canary Clan. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, nakita niya ang sariling nasa loob ng palasyo, kabilang sa mga babaeng pinagpipilian upang maging kabiyak ng Supreme Power. Lumalakad sa harap ng pulong upang gampanan ng isang napakahalagang tungkulin at tuparin ang isang pangako. Date Constructed: January 2014 Date Published: November 2014 Date Finished: May 24, 2017 [MS5] 🌓hiwaganawil