Noong unang panahon ay sagana pa ang buhay ng mga tao sa San Roque. Madaling hanapin ang pag kain sapagkat ito ay nasa kanilang paligid lamang. Hindi na sila kailangang lumipat ng ibang lugar upang mag hanap ng pagkain sa pang araw-araw. May mag asawang payapa at matiwasay na naninirahan kahit hindi pa sila nagkakaanak. Palagi silang namamasyal sa bundok, naliligo sa malinus na batis at nangingisda. Hanggang dumating ang panahon na nagdadalang tao ang babae na naging dahilan kaya namalagi na lamang ito sa kanilang tahanan. Isang araw, di maipaliwanag ang pangyayaring nasaksihan ng lalaki sa labas ng kanilang maliit na dampa. Namatay ang mga halaman natuyo ang lupa at walang tubig ang batis at ilog. Lumaganap ang taggutom. Dumating ang panahon na isinilang ng babae ang sanggol kaya't napilitan silang mag hanap ng pagkain. Nilibot nila ang kagubatan, burol at inakyat ang toktok nito. Pagdating nila sa toktok ng bundok ay nakita nilang ang isang kakaibang halaman. May naninipis na dahon at may maliit na bunga na parang ginto ang kulay. Ngayon lamang sila nakakita ng ganoon. Agad silang umuwi sa kanilang tahanan at maingat iyong binago at niluto. Napakabago ng amoy at nang maluto ay kanilang kinain. Naisip ng mag asawa na itanim ang mga bungang iyon upang dumami at nang hindi na sila magutom. Nang kanilang anak ay nagsisimula ng mag salita nakatuwaan nilang kausapin ito at tinanong kung ano ang tawag sa biyayang kanilang kinain" Paay... Pa- ay... P-lay ! ." ang wika ng bata dahil hindi nila alam kung ano ang tawag sa pagkaing iyon, tinawag nila itong palay basi sa narinig nila sa kanilang anak.