Lose to Win (Trazo Real Serie...

Από ringthebelle_

26.7K 640 156

To save her brother from their father's wrath, Clara Priscilla Del Rio agreed to an arranged marriage planned... Περισσότερα

Lose to Win
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue

Chapter 31

477 11 8
Από ringthebelle_

Chapter 31

"What the hell is this?", gusto kong matawa habang hawak ang ticket ng isang school play na inabot sa akin ni Pancho.

"Hindi ka ba marunong magbasa? Ang bobo mo naman", irap ni Pancho kaya tahimik na natawa si Naxus.

"Gago. Ano naman kasing gagawin ko rito? Hindi pa ako nakakapagreview 'e may quiz na naman kami sa Lunes", saad ko at taimtim na nanalangin na sana ay biglang magkaroon ng milagro sa Lunes na walang pasok at makaligtas sa quiz.

"Ang baduy mo! Kung kailan second year college ka na tsaka ka natakot sa quiz?", inagaw ni Pancho ang ticket sa akin.

"The prof's quizzes are deadly. I get his point", saad ni Naxus na himalang pinagtatanggol ako ngayon kay Pancho.

"Mga dalawang oras lang naman itong school play ni Pichi. Sige na, samahan niyo na kasi ako. Hindi makakapanood parents namin 'e naaawa nga ako dahil baka siya lang ang walang pamilyang manood", pagpupumilit ni Pancho.

Sa pagmamakaawa niya ay parang naging effective naman 'yon kay Naxus at pasimple niyang kinuha ang isa pang ticket at tahimik 'yong tinitigan.

"Bakit ba Pichi ang palayaw ng kapatid mo? Parang pangalan ng aso 'e", saad ko at nabatukan agad ng kupal na si Pancho.

"Gago ka ba? Baka kapag nakita mo ang kapatid ko ikaw ang maging aso't maghabol ka?", mayabang niyang asta.

Parang bigla kong gustong masuka. Imposible 'yon. 16 lang yata 'yung bunsong kapatid ni Pancho at 20 na ako. Makakasuhan pa ako kapag nagkataon. May konsensya naman ako!

"Kapal mo! Kung kamukha mo lang din 'e ayaw ko na. At hindi ako napatol sa bata 'no!", binato ko siya ng pinag-inuman ko ng mineral water.

Kanina pa kami nakatambay dito sa bahay nina Naxus. Sa totoo lang, ayaw niya nga na rito kami tumatambay ni Pancho dahil nagkakalat lang daw kaming dalawa. Ayaw din naman ni Pancho sa kanila dahil hindi naman 'yon nagdadala ng bisita sa bahay nila. Mas lalong ayaw ko sa amin dahil masyadong malaki ang bahay, masyadong tahimik.

"Oh 'e 'di mabuti nang nagkakaintindihan tayo. Ikaw, Nax, baka naman matipuhan mo ang kapatid ko kapag nakita mo? Bawal!"

"I'm not interested", saad ni Naxus.

"Alam mo naman na si ano lang ang ano niyan", mahina kong sabi pero pinukol ako ng masasamang tingin ni Naxus kaya nagpigil na lang ako ng tawa.

"Why can't your parents come? It's Sunday, right? Isn't Sunday supposed to be like a day off?"

"Alam mo naman sitwasyon namin, pre"

"At least for their youngest...", kibit balikat ni Nax. Ewan ko ba kung bakit ganito siya magsalita. Manang mana siya sa Kuya ko. Pakiramdam ko talaga, si Rafael ang kapatid ko at hindi si Kuya Xy. Dudugo ang ilong ko rito kay Naxus 'e.

"I'll see if I can come. You?", baling sa akin ng pinsan ko. Nakatingin na rin sa akin si Pancho na para bang asang-asa siyang pupunta ako.

"Oo na. Pupunta na ako. Libre mo kami ng merienda pagkatapos", saad ko at tumango lang si Pancho. Mahal na mahal nito 'yung kapatid niyang may nickname na pang-aso, ah?

Pagdating ko sa bahay ay agad akong gumawa ng lintek na mga paper na kailangan kong ipasa sa Theology. Mahal na mahal ko si Lord pero minsan kasi hindi ko na rin talaga maintindihan ang inaaral ko. May mga tanong na para bang wala namang sagot pero kailangan may sagot. O kaya naman obvious naman 'yung sagot at self-explanatory naman pero kailangan bidang-bida ang pagpapaliwanag mo. Kapangalan ko pa naman 'yung subject.

Sa Linggo ko dapat 'to gagawin dahil bukas, Sabado, may date ako kasama si Ygritte. Hindi ko 'yon girlfriend. Ayaw ko pang mag-girlfriend at dahil nagkakasundo naman kami lagi na wala kaming relasyon, pumapayag sila. Para sa akin naman kasi, depende 'yon sa kasunduan ng dalawang tao. Hindi ko naman sila pinipilit at hindi ko rin sila binabastos.

At hindi ako nagsasabay-sabay! Hindi ako katulad ng kapatid kong gwapo.

"Ano na naman?", busangot na salubong sa akin ni Pancho dahil tinatawagan ko siya sa FaceTime pero ayaw niyang sagutin. Ini-spam ko nga ng calls hanggang sa sagutin. Akala mo ha!

"Ang sungit mo. May period ka ba?", pang-aasar ko at isang malutong na mura agad ang ginawad niya sa akin.

"Tangina mo. Mukha bang may matres ako? Minsan iniisip ko kung hindi ka ba napainom ng vitamins noong sanggol ka at parang kulang-kulang ang pag-iisip mong hayop ka", hindi ko man nakikita ang mukha ngayon ni Juan Patricio pero alam kong gigil na gigil na ito sa akin ngayon.

"Bakit ang init ng ulo, ha? Baka nakakalimutan mong hayop ka rin, pinapupunta mo ako sa play ng kapatid mo sa Linggo", pambabanta ko sa kanya.

"Ano ba kasing kailangan mo?", inis na sagot niya.

"Pakopya ako. Sigurado naman akong pareho lang ang tanong sa atin sa Theology. Magkaiba naman tayo ng professor – "

"Ayoko. Kay Naxus ka kumopya", sambit niya.

"Magkaklase nga kami! Engot ka ba? Kaya nga sa'yo ako kokopya kasi nasa Archi kang tokis ka. Sabi mo Civil Eng kukunin nating tatlo"

Nagbago bigla ang isip niyang si Pancho at gusto na raw niyang mag Architecture. Hindi naman big deal sa akin ang pagbabago ng isip niya. Gusto ko lang talagang mang-asar.

Narinig kong bumuntong hininga siya bago nagsalita.

"Nasaan ba? Ano bang tanong?"

"Sesend ko sa'yo", saad ko at lumapad ang ngiti nang maisip na mapapadali ang trabaho ko.

"Baka naman may lyrics ng kanta 'yan", subok ko sa kanya.

"Alam mo... ikaw na nga ang mangongopya, ikaw pa ang demanding. Huwag mo akong itulad sa'yo! Isesend ko na lang. Istorbo ka. Gumagawa ako ng plates. Napakakupal mo kahit kailan", sambit niya at binaba na ang tawag.

Sabado nang nagkita kami ni Ygritte at mukhang ito na rin ang huli.

"I just don't understand why you're always with that high school student, Theo! I'm your partner but you're always with that Riqueza!", parang nabasag ang eardrums ko sa lakas ng boses niya. Tangina naman.

"Hindi ba sinabi ko naman sa'yo na kaibigan ko nga si Calista? Ang OA mo naman. Anong partner sinasabi mo, Yg? Alam mo naman kung ano tayo 'di ba?", mahinahon kong sagot pero lalo namang lumakas ang boses niya. For Pete's sake we're in the hotel lobby!

"Theo naman... hindi mo ba nararamdaman? I fucking have feelings for you! Wala ka man lang bang naramdaman para sa akin? I'm sure I'm doing great! You're enjoying my company kaya imposibleng wala kang nararamdaman ngayon para sa akin!"

"Alam mo... it was fun. Really. Pero alam mo naman kung anong ayaw ko 'di ba? Ayaw kong sinasakal ako, Ygritte. At utang na loob, wala akong feelings para sa'yo"

"Si Calista ba?", tanong niya.

Pang-ilang babae na ba ito na nagselos kay Calista? Diyos ko naman! Are people really that ignorant about platonic friendship? Hindi ba talaga uso ngayon na may babae at lalake na magkaibigan? Naiirita ako ha!

"Huwag mo namang idamay dito ang kaibigan ko", matigas kong sabi. Napalingon ako sa bellboy na dumaan at napatingin sa amin. "Tama na nga. Ihahatid na lang kita. Itigil na natin –" aray!

Ang sakit 'non ha? Ihahatid ko na nga kahit tinapos ko na, nasampal pa ako. Nayanig yata ang utak ko. Tangina talaga kapag nawala 'yung mga nireview ko para sa quiz, sasampalin ko rin si Ygritte. Joke! Pero seryoso, masakit. Ang sakit, gago!

Nag-walk out si Ygritte at hindi ko na nahanap pa. May ilang tao rin palang napatingin sa amin dito. Nahiya pa 'tong mga 'to. Sana nagbaon kayo ng popcorn oy!

Nahihiya akong ngumiti at nagpunta sa pinakamalapit na bar. Nagtext ako kay Naxus at niyaya siya pero hindi naman siya sumagot. Nagtext din ako kay Pancho pero hindi rin sumagot.

"Ey! Alone?", si Gavin Vivaldi pala.

"Oo. San mga kapatid mo?", tanong ko at humalakhak siya.

"Wala. Nasaan mga pinsan mo?", balik niya sa akin.

"Wala rin", sagot ko at nang mabigay ang whiskey sa akin ay pinagcheers namin ang mga inumin namin.

"Ginagawa mo rito?", tanong ko sa kanya.

I am acquainted to the Vivaldis despite the competition between our families. Hindi naman kami magkakaaway, madalas nga magkakainuman pa. Walang personalan sa amin. Ang negosyo ng pamilya, sa negosyo lang. Kaya hindi naging mahirap sa amin na makasundo rin silang magkakapatid.

"Nag-iisip lang", saad niya at halos masamid naman ako sa inumin kaya natawa siya.

"Mukha bang makakapag-isip ka sa sobrang ingay dito?", saad ko at nang mapatingin sa oras ay naisipan na ring umuwi. Nagpaalam na ako kay Gavin at nang palabas na sa bar ay may natanaw akong isang pamilyar na mukha.

"Hello!", nakangiti kong saad sa kanya. Bata pa 'to ah? Akala ba nito makakapasok sa siya bar na 'to? Ka-edad lang ito ni Calista 'e.

"Have you seen Gavin?", tanong niya sa akin. Grabe, wala man lang "hello" back o kaya "hi". Hindi man nga lang ngumiti sa akin. Ang taray talaga ng batang ito. Manang mana kay Pancho, ah?

"Oo. Nasa loob. Bawal kang pumasok 'don. May kailangan ka ba sa kanya? Gusto mo, tawagin ko?"

"No, thanks", saad niya at tinalikuran ako.

Aba! Ang attitude talaga ng Sofia na 'to. Hindi ko naman siya inaano pero parang galit pa siya sa akin. May attitude problem talaga silang magkapatid 'e. Pakiramdam ko tuloy matindi rin 'tong si Del Rio No. 3

Ang sungit ni Pancho. Ang sungit ni Sofia. Masungit din malamang 'yung bunso. Ha! Titirisin ko 'yon kapag sinungitan din ako.

Linggo nang umaga ay gumayak na agad ako papunta sa address ng school 'nung bunso ni Pancho. Nakita kong parang gusto akong ibaon sa lupa nina Pancho at Naxus kaya ngumiti ako at nagpa-cute pero hindi 'yon tumalab. Lintek!

"The show's about to start, moron", iritang saad ni Naxus.

"Napakatagal mo!", yamot na yamot si Pancho na inabot sa akin ang ticket. Humalakhak ako at pumunta sa gitna nilang dalawa para umakbay. Ganito lang kami pero sasangga kami ng bala para sa isa't-isa.

Pagpasok namin sa auditorium, halos puno ng mga tao. Mabuti na lang at nasa bandang unahan ang pwesto ng mga tickets namin. Sinimulan ang play na mayroong doxology at agad akong napahikab. Siniko ako ni Naxus kaya pakiramdam ko nayanig ang internal organs ko sa pagsiko niyang iyon.

"Kapatid ko 'yan...", bumulong si Pancho kaya hinanap ko kung nasaan ang mata niya.

Nasa gitna ang kapatid niya, nakaputi na leggings at puting leotards. Naka-bun ang buhok nito kaya napakaaliwalas ng mukha niya. Kasabay ng elegante niyang pagsayaw ay ang pagtama ng ilaw mismo lang sa kanya.

I swallowed really hard when our eyes met. It felt like I was watching an angel dance.

Nag-iwas kaagad ako ng tingin at yumuko na lang, kunyari ay focused sa pagdarasal pero ang totoo ay hindi ko matanggap na anghel ang pagkakalarawan ko sa bunsong kapatid ni Pancho.

Pancho's like the devil. Sofia's like the little demon. So, I expected seeing a monster or like an evil creature that will complete their sibling portrait in my head but I ended up seeing an angel. Gago! Pinawisan ang noo ko at agad akong kumapa ng panyo sa bulsa ko para punasan 'yon.

Para akong tangang hindi tumitingin sa kapatid ni Pancho kapag sa kanya ang eksena sa stage. Siya pa naman ang bida kaya wala na akong naintindihan sa pinapanood. Si Naxus ay focused lang din na nanonood at si Pancho, proud na proud sa tuwing eksena ng kapatid niya.

"Oh! Tangina niyo. Ang ganda 'no?", bulong ulit niya nang lumabas ang kapatid niya, siya ang pinakahuling tinawag noong tapos na ang play.

Nagtayuan ang mga tao at nagpalakpakan. Nakitayo at palakpak na rin ako at si Pancho may paghiyaw pang kasama.

"Shhh!", saad noong nasa likod namin. Natawa ako. Ingay mo kasi.

"Pahiram ako ng phone!", sambit ni Pancho.

"I left mine inside my car"

"Sa'yo?", tanong ni Pancho kaya wala sa sarili kong inabot ang phone ko sa kanya.

"Anong gagawin mo?", tanong ko.

"Dead-batt na ako 'e. Pa-send na lang mamaya ng mga picture, ha? Magpipicture lang kami ni Pichi sa stage. Tara! Sumama na rin kayong dalawa", yaya niya sa amin ni Naxus. Sumunod kaagad sa kanya si Naxus at ako naman ay hindi alam kung sasama ba sa kanila.

Hindi ko na nga napanood nang maayos 'yung play dahil sa kapatid niya tapos gusto niya pang magpicture taking kami? Gago!

"Bro, natatae ako. Nasira yata ang tiyan ko sa milktea ko kanina. Kayo na lang. Lalabas na talaga 'e", pagdadahilan ko.

"Saglit lang naman. Tanginang 'to. Pigilin mo muna. Basta huwag kang uutot dahil nakakahiya", saad niya at hinaltak na naman ako pero hindi ako nagpadala.

"Gagi, seryoso. Hindi 'to normal. Parang mamasa-masa 'tong –"

"Fuck you!", malutong na mura ni Nax sa akin. "Just let him go. He's so gross", tulak sa akin ni Naxus kaya hinayaan na ako ni Pancho.

Naglakad na sila palapit doon sa may backstage para sunduin 'yung kapatid ni Pancho at makapagpicture sila sa stage. Bahala na! Susulpot na lang ako kapag tapos na silang magpicture taking.

Papunta ako dapat sa men's comfort room para tumambay ng ilang minuto para kunwari ay roon talaga ako galing. Katabi 'non ang sa women's at para akong natuod nang makita kong palabas ang kapatid ni Pancho roon. Umiiyak siya at may dalang tissue.

Nakabagsak na ang buhok niya. Tuwid na tuwid 'yon at totoo nga ang sabi ni Pancho, pang commercial model nga talaga ng shampoo ang kapatid niya. Hindi ko naman napapanood sa TV at mga ads ang kapatid ni Pancho dahil hindi ko hilig manood ng local series. Wala na rin akong oras dahil marami talagang ginagawa ngayong college na.

Namumula ang pisngi niya, siguro dahil sa pag-iyak. Nakapagpalit na rin siya ng damit. Hindi na niya suot ang puting dress na suot niya sa final curtain. Nakasuot na siya ng maong na high-waist jeans at nakatuck-in naman doon ang fitted niyang black na shirt.

"H-hi! May problema ba? May nagpaiyak ba sa'yo?", saad ko at humarang sa daraanan niya.

Nakakunot ang noo niya akong tiningnan. Para 'tong pinaghalong Pancho at Sofia, ah? Ang ganda ng mata nitong si... Pichi. Para talaga akong nakatingin sa isang anghel.

Siguro sign na ito para galingan ko sa Theology.

"Huh? Wala po. Final show ko na kasi kaya umiiyak po ako. Ganoon din po ang mga kasama ko", saad niya at tinuro ang ilang kasama sa play na umiiyak din. "Sige po", sambit niya at nilagpasan na ako.

Tangina.

Kaya nga ako hindi sumama kina Pancho para hindi ko na makita ulit itong kapatid niya tapos para naman akong gago na talagang humarang pa sa daan para makausap siya. Gago, Theo! Bata 'yan, ha! Bawal!

Tumabi na ako at pinadaan siya. Hindi na ako talaga sumama sa picture taking nila dahil hindi ako natutuwa sa inaasal ko. Pakiramdam ko nagkakasala ako. Alam ko naman na maganda siya. Maganda talaga. Kaya lang parang ang weird naman magandahan sa ganoon ka-bata?

Wala naman akong gusto 'ron!

Iyon ang pangontra lagi ng isip ko sa tuwing maaalala ko 'yong kapatid ni Pancho.

May isang gabi na napadpad ako sa restaurant dahil ginugutom itong bago kong fling, si Emily. Pakakainin ko muna.

Nasa mood talaga ako na magfling nang magfling dahil simula noong nakita ko 'yong kapatid ni Pancho, para bang magic na lang na kapag madadaan ako sa entertainment room namin at maaabutang nanonood doon ang mga magulang ko 'e ipapalabas ang mga commercials ni Clara.

Clara Priscilla Del Rio. Kaya pala Pichi kasi galing sa Priscilla.

Ewan ko rin ba at milagrong ginagamit ko na ang TV sa kwarto ko at nanonood na ako ng isang local TV series. Supporting doon si Clara. Marunong umarte pero medyo hilaw pa.

Nafollow ko pa 'yun kagabi sa social media account niya kaya para akong nabuhusan ng malamig na tubig at agad na in-unfollow siya. Iyon din ang nagtulak sa akin na kitain itong si Emily at subukan dahil baka kapag nakasama ko na 'to, baka naman bumalik na ako sa normal.

Ise-serve pa lang ang pagkain namin nang makita kong pumasok din sa restaurant na 'to si Clara at may kasamang lalake! Gago!

Nakahawak pa nga 'yung lalake sa baywang niya! Pota.

"Emily, I'm sorry. Sorry. Kailangan ako sa bahay 'e emergency raw", saad ko at naglapag na lang ng bill pambayad. Alam kong napakabastos na iwanan ko 'ron si Emily pero hindi ko na rin talaga alam!

Gabing gabi at kinakalampag ko ang gate ng bahay nina Pancho. Gigil na gigil ako sa doorbell nila pero dahil walang sumasagot ay pati gate nila hinahampas ko na.

"Pancho! Pancho, 'yung kapatid mo!", sigaw ko mula sa labas.

"Putangina. Nababaliw ka na ba?", sinalubong ako ni Pancho. May mga pintura ang kamay niya at halatang busy sa paggawa na naman ng mga para sa course niya.

"Emergency nga! Hindi mo kasi binabasa ang text kong kumag ka! Hindi mo rin sinasagot ang mga tawag ko. You left me with no choice, you shit!", gigil ko ring baling sa kanya.

"Busy nga ako", pakita pa niya sa akin ng mga kamay niyang may pintura 'e nakita ko naman na 'yon kanina pa.

"Nakita ko kapatid mo may ka-date", sumbong ko sa kanya.

"Oh? Ano naman 'e nagpaalam naman 'yon sa akin", parang tanga niyang sagot.

"Ang bata pa 'non ah? Tanga ka ba?"

"Pakialam mo rin 'e kapatid ko naman 'yun. Tanga ka ba?", basag niya sa akin.

"Nakahawak sa baywang niya 'yung lalake, okay lang sa'yo? For Pete's sake, your sister is a minor! 16 lang 'yon, ah? Pinapayagan mo na 'yon makipagdate?", bwiset na bwiset kong tanong sa kanya.

"Napakaepal mo! Makaano ka naman sa kapatid ko! Ikaw nga 13 years old may kalandian na, nastress ba kami ni Naxus sa'yo? Hindi naman ah! OA mo, boo!"

"Oh bakit ikaw 13 ka rin naman 'non ah?"

"Hoy! 14 ako noong lumandi ako", pagtatama pa niya.

We ended up fighting again in front of their gate about some nonsense. Napagod na rin akong makipagtalo dahil tama nga naman si Pancho.

Ano bang pakialam ko? Bakit affected ako 'e normal lang naman 'yon? I even got my first kiss when I was 13! Kaya naiintindihan ko kung bakit OA ang tingin sa akin ni Pancho dahil nasa edad naman na ang kapatid niya para makipagdate.

At pinayagan niyang hayop siya!

Nakailang untog pa ako ng ulo sa manibela ng sasakyan ko bago ko naisipang umalis sa tapat ng bahay nila.

Pagkauwi ko sa amin, diretso ako sa kwarto ko at nilibang ang sarili ko sa paggamit ng phone.

"Hindi muna ako manonood ng TV", pagpapaalala ko sa sarili ko.

Pero ang lintek na buhay talaga, kakascroll ko sa photos ay nadaanan ko ang picture ni Pancho at ni Clara sa phone ko. Hindi sumama si Naxus dahil napaka-KJ naman 'non. Allergic yata 'yun sa mga litrato. Mukhang siya ang kumuha ng litrato ng magkapatid.

Alam kong napakabastos pero cr-in-op ko ang katawan ni Pancho sa picture. Forgive me, my friend.

Hanggang sa nabalitaan ko na lang na lumipat sa school namin ang kapatid niya para sa SHS. Malawak naman ang campus kaya panatag akong hindi ko makakasalubong si Clara. Kaso lintek na lintek talaga ang buhay dahil parang kahit anong iwas ko na makita siya, nagpapakita talaga siya!

Magic talaga, bro! Magic!

Tuwid at bagsak pa rin ang buhok niya. Masaya siyang nakikipag-usap sa tatlo niyang mga kaibigan habang naglalakad sila. Sakbit niya ang bagpack niya na kulay itim, leather 'yon sigurado ako. Parang nagliliwanag talaga ang daan kapag nandiyan siya.

Ngiting ngiti siya at dahil din siguro masaya ang pinag-uusapan nila. Natigil lang ang paghabol ko ng tingin sa kanya noong sumukbit na sa braso ko ang braso ni Tiffany. Niyaya na niya akong umalis kaya tumulak na rin kaming dalawa patungong parking.

Ilang lalake pa ang minsang nakikita kong kasama niya sa school. Ang lupit naman nito. Pancho lang ang galawan, ah? Parang kada dalawa o tatlong buwan 'e iba yata ang boyfriend niya. Mukha namang nag-eenjoy siya at kahit irita ako kapag naiisip ko na may boyfriend siya, kung masaya naman siya, hindi na rin masama.

"Gusto ko siya", saad ni Kuya nang malamang may balak sina Mama at Papa na ipagkasundo kami ni Calista.

Sa totoo lang, wala akong maramdaman. Ayos lang sa akin na ipagkasundo kami at ayos lang din sa akin na hindi.

Pakiramdam ko naman ay kaya kong alagaan si Calista pero may parte pa rin sa akin na parang nakokonsensya dahil paano kung hindi pala niya talaga ako gusto? Ayaw ko rin naman na ikulong siya sa akin kung alam ko rin sa sarili ko na hindi ko rin siya gusto. Kung may pagmamahal man sa aming dalawa ni Calista, alam namin pareho na pagmamahal lang 'yon ng isang kaibigan o kapatid.

"Sigurado ka? Bestfriend ko 'yon", saad ko.

"Kaya nga sa'yo ko sinasabi kasi alam kong mahalaga siya sa'yo"

"Hindi ako makikiagaw kung ganoon"

Kumunot ang noo ng Kuya ko sa akin. Halatang nagtataka sa mga sagot ko sa kanya.

"Bakit? Akala ko ba pwede naman kayo?"

"I won't let her be with someone who sees her as "pwede na" if there's you who sees her as more than that", saad ko at nag-iwas ng tingin.

Tangina! Nasabi ko talaga 'yon sa kapatid kong 'di hamak naman na mas matured kaysa sa akin?

"What about your engagement?", tanong niya.

Bahala na. Hindi ko na rin talaga alam. Siguro kaya nirereto reto na lang kami ng mga magulang namin dahil alam nina Mama at Papa na siraulo kaming dalawang magkapatid. Bakit naman kasi sina David, Rafael, at Naxus, hindi nirereto reto nina Auntie at Uncle?

"Plano pa lang naman 'yon ng mga magulang natin. Hindi pa nila alam. Pwede naman akong sa ibang babae na lang. Ingatan mo siya. Pag pinaiyak mo 'yon, kahit kapatid kita, paloko-loko lang ako pero kakalabanin kita, Kuya", banta ko sa kapatid.

Ang tapang naman natin diyan, self! Di pero seryoso, masyadong mahalaga sa akin si Cali dahil parang kapatid ko na rin 'yon kaya ayaw kong nasasaktan 'yon.

Kaya parang nagkaroon nga naman talaga ng milagro base sa reaksyon ni Mama noong walang pag-aalinlangan akong um-oo na ipagkasundo kami ni Clara. Ewan ko ba, automatic talaga 'yung pag-oo ko. Nakangisi pa nga si Papa noong sinabi kong sigurado ako. Ngumiti na lang ako sa mga magulang.

Hindi rin naman nagtagal ang ngiti ko nang ilang araw mula noong pumayag ako ay sinapak ako ni Pancho. Tangina.

"Bakit ka pumayag!? Tangina naman. I know you like pissing me off but this is so foul! Anong trip mo, Theo? Huwag naman si Clara!", parang leon na nagwawala si Pancho at si Naxus naman ay napapailing lang sa gilid.

Hinayaan niya lang akong sapakin ni Pancho! 'Yung mga tingin pa niya sa akin parang sinasabi na "Deserve mo 'yan, pinsan".

"I like her", saad ko at tinulak agad ako nang malakas ni Pancho.

Napadapa ako sa garden nina Naxus. Mabuti na lang talaga at wala lagi rito sina Auntie at Uncle. Buti na lang din at pagala-gala sa kung saan mang lupalop si Rafael kaya wala siya rito.

Mas buti na rin na malambot ang bermuda nila. Hindi masyadong masakit noong nasubsob ang likuran ko. Ang lakas ng tulak ni Pancho, potek.

"Ang dami mong babae, sila na lang! Anong nagustuhan mo sa kapatid ko? Akala ko ba ayaw mo 'ron dahil pang aso ang palayaw niya? Sabi mo ayaw mo 'ron dahil baka kamukha ko! Panindigan mo, gago!"

"Alam ko naman na panget ang history ko sa mga babae – "

"Anong panget? Nuknukan ng panget!"

"Oo na! Alam ko naman 'yon pero bigyan mo naman ako ng pagkakataon, Pancho. Isipin mo na lang kung sa ibang lalake si Clara, mas mapapanatag ka ba? Magkaibigan tayo at malaki ang respeto ko sa pagkakaibigan nating dalawa. Hindi ko gagaguhin ang kapatid mo dahil parang pamilya na rin kita", mahinahon kong saad at dahan-dahang tumayo mula sa pagkakahiga sa bermuda nina Naxus.

"Family my ass", singhal ni Pancho.

"Seryoso ako. Kung hindi talaga ako magustuhan ni Clara, hindi ko naman ipipilit. Pero bigyan mo ako ng pagkakataon. Kung magustuhan niya ako, hindi ba mas okay na 'yon na makasal siya sa taong gusto niya at kaibigan mo pa? Sa ngayon, isipin mo na lang din na sinagip ko ang kapatid mo sa mga mas gagong lalake na pwedeng i-pares sa kanya. Kahit 'yon na lang isaalang-alang mo", saad ko at pinunasan ang dugo sa gilid ng labi ko.

Gago. May family dinner pa naman kami kasama sina Clara. Bawas pogi points 'to kapag nagsugat at nagpasa. Badtrip naman, Pancho.

Hindi na umimik si Pancho at inakay na niya ako sa loob. Siguro na-guilty si tanga sa pagsuntok sa akin kaya siya na rin ang umakay sa akin sa loob. Nakasunod lang si Naxus at kumuha ito ng ice pack. Si Pancho ang naglagay 'non sa akin kaya kahit masakit ang gilid ng labi ko, hindi ko mapigilang hindi ngumisi.

"Nginingisi-ngisi mo riyan? Para kang asong ulol", saad niya at diniinan ang lapat ng ice pack kaya inilayo ko ang mukha ko.

"Ang sakit mo sumuntok, potek ka. Akala ko matatanggal ang ngipin ko 'e"

Nang gabing iyon din, nakitulog muna ako kina Naxus. Hinatiran niya ako ng pamalit sa bedsheet sa guest room at ako na raw ang magpalit 'non. Ang bait talaga. Wow! Grabe.

"That was the most serious and sincere thing you've ever said in your life. Ayusin mo", saad niya at sinarado ang pinto.

Ayusin ko raw.

Kaya nga ito at inaayos ko.

Kahit para akong tanga, inaayos ko talaga para lang magustuhan niya ako.

"You made my heart race like this. I missed you, baby", sambit ko at siniil siya ng halik.

Noong gabing 'yan, siguradong sigurado ako na gustong gusto ko siya. Gustong gusto at sabik na sabik ako sa kanya. Parang hindi ako mapakali kapag hindi ko siya nakikita, nakakasama, o nakakausap man lang. Parang ang bigat bigat kapag alam kong hindi kami maayos.

Akala ko iyon na 'yung pinakagrabeng mararamdaman ko para sa isang tao. Hindi pa pala.

Gabi 'yon at malakas ang ulan nang dumiretso ako kina Clara. Magpapakamatay ang Kuya ko dahil sa nangyari sa kanila ni Calista. Hindi ko na rin alam kung anong gagawin ko noong mga oras na 'yon. Pinilit kong magmukhang matatag sa harapan ni Kuya at ng pamilya ko pero kaunting kaunti na lang, alam kong bibigay na ako.

Sa mga oras na 'yon, si Clara agad ang naisip ko. Basa ako ng ulan pero walang pag-aalinlangan niya akong tinanggap sa bahay nila at niyakap ako.

"Remember when you told me that I can always go to you whenever I feel weak and helpless? I'll do the same for you, Theo. Let me be your strength this time", sambit niya.

At noong oras din 'yon ay natanto ko na hindi ko lang siya gusto.

Mahal ko siya.

Mahal na mahal ko siya at handa akong maghintay hanggang sa mahalin niya rin ako. Hindi ko alam kung gaano katagal pero hindi ako magrereklamo. Alam kong ang dami kong kasalanan na nagawa at baka nga hindi ako tanggapin sa taas, pero kinapalan ko na ang mukha ko.

Hiniling ko. Dinasal ko.

Na sana, mahalin niya rin ako.

"Mahal kita", para akong nabingi.

Dalawang salita. Dalawang salita lang mula sa kanya pero parang inaangat ako sa lupa sa sobrang saya.

At noong pareho naming sinuot ang mga singsing na ginawa niya galing sa nylon na nakuha niya sa kung saan mang sulok ng rest house, doon ko natanto.

Hindi ko lang siya mahal ngayon. Mamahalin ko siya habang buhay.

---

Note: This is not the last chapter of Lose to Win. This is Theo's POV before their breakup. The next chapters will be Clara's POV again. Please don't get confused.

Note: I will really appreciate it if you leave comments so that I'll know what you feel about the chapter or the whole story itself. Thank you.

Note: Also, I might not be able to update tomorrow. Pagbigyan niyo na ako huhu. Pasko naman bukas. But I will still try. Thank you for understanding!

Συνέχεια Ανάγνωσης

Θα σας αρέσει επίσης

16.5K 584 45
Numero Serye #2 Miranda Eduardo, ang daldalera at usisera sa buhay ng ibang tao. Walang takas ang bawat kuwento na kanyang nalalaman. Ngunit ano na l...
18.2K 427 50
Adi, a child from a family of politicians in Batangas, grows fond of Rafael, her late cousin's closest friend. As their lives intertwine, Adi realize...
Game Over Από beeyotch

Ρομαντική

783K 26.8K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
WANTED: Private Nurse (girlxgirl) Από jenny

Γενικό Φαντασίας

401K 5.3K 21
This is a story about a Registered Nurse who applied for a job as a Private Nurse to a Rich and Famous Actress as this celebrity is in need of a nurs...