Teenage Paranormal Detectives...

By MNchan

38.3K 2.4K 673

A group of students, worked together to tackle different paranormal mysteries and entities and solving them... More

Prologue
TPD: Chapter 1.1
TPD: Chapter 1.2
TPD: Chapter 1.3
TPD: Chapter 1.4
TPD: Chapter 1.5
TPD: Chapter 1.6 pt1
TPD: Chapter 1.6 pt2
TPD: Chapter 1.7
TPD: Chapter 1.8
TPD: Chapter 1.9
TPD: Chapter 1.10
TPD: Chapter 2.1
TPD: Chapter 2.2
TPD: Chapter 2.3 pt.1
TPD: Chapter 2.3 pt.2
TPD:Chapter 2.4
TPD: Chapter 2.5
TPD: Chapter 2.6
TPD: Chapter 2.7
TPD: Chapter 2.8
TPD: Chapter 2.9 pt.1
TPD: Chapter 2.9 pt.2
TPD: Chapter 2.10
TPD:Chapter 2.11 pt.1
TPD: Chapter 2.11 pt 2
TPD: Chapter 3.1
TPD: Chapter 3.2
TPD: Chapter 3.3
TPD:Chapter 3.4
TPD: Chapter 3.5
TPD:Chapter 3.7 pt.1
TPD: Chapter 3.7 pt.2
TPD: Chapter 3.8
TPD:Chapter 3.9 pt.1
TPD: Chapter 3.9 pt.2
TPD: Chapter 3.9 pt.3
TPD:Chapter 3.10
TPD: Chapter 3.11
TPD: Chapter 3.12
TPD: Chapter 4.1
TPD: Chapter 4.2 pt.1
TPD: Chapter 4.2 pt. 2
TPD: Chapter 4.3
TPD: Chapter 4.4 pt.1
TPD: Chapter 4.4 pt.2
TPD: Chapter 4.4 pt.3
TPD : Chapter 4.5 pt.1
TPD: Chapter 4.5 pt. 2

TPD: Chapter 3.6

519 44 7
By MNchan

Last update for this year. Next year naman ang kasunod (Wew! Tagal naman nun 😄)

Enjoy reading!

Kye POV.
"Ahhhhh!" Malakas na sigaw ni Patrick sa akin tabi habang tinatakasan namin ang sunod sunod pag uulan samin ng bala.

Ang bilis ng mga pangyayari. Ang tahimik lang ng aming paglalakad papunta sa kweba, tapos mangyayari to?

Sino mag aakala magiging action star kami bigla? Kasi nung huling check ko paranormal detectives lang kami.

Akala ko pa kanina illusyon lang ang bala, pero ng marinig ang sinabi ni Sir Sev, dun ako natauhan. At basta na lang gumalaw ang aking katawan at tumakbo sa hindi malaman na direksyon.

Kaya naman ngayon nagkahiwahiwalay kami lahat. At tanging kami lang ni Patrick ang nagkasabay sa pagtakbo dito.

Si Patrick na walang ginawa kundi magsisigaw simula kanina hanggang ngayon.

"Kyeee!! Kyee!!"

"Ayoko pa mamatay! Ayoko pa mamatay!! Ang gwapo ko para mamatay! Ahh!!"

"Lord, maawa kayo sa akin! Maawa kayo sa akin!!"

Pucha! Bilib din naman ako sa lalamunan ng lalaki na to. Hindi namamaos. Kanina pa naka maximum volume ang boses niya pero hanggang ngayon buo pa rin.

Ang hirap tuloy mag isip ng plano ngayon dahil naabala ako sa boses ni Patrick. At kung hahayaan ko pa siya magsisigaw panigurado malalaman ng kalaban kung nasaan kami nito eh. Tssk!

Kaya naman para pigilan iyon, bigla ko hinablot ang braso niya at hinila siya sa pinakamalapit na puno sa amin.

"Kye, bakit mo ginawa-"

"Shhhh!" Inilagay ko ang aking palad sa labi niya saka pinandilatan ng mata.

"Wag ka ng sumigaw, please lang! Imba din naman niyang boses mo, di namamaos." Mahina at madiin ko sabi sa kanya.

"Mmmmpf...mmpf."

Hindi ko napigilan ang aking sarili itaas ang isa kong kilay dahil sa pagtangka pa talaga pagsalita ni Patrick.

Sumagot pa talaga siya sa akin sinabi, eh di ko rin naman iyon maintindihan. Lakas ng trip!

Isang pitik sa noo ang ginawa ko bago sinermunan ang lalaki na to, "Patrick, wag ka ngang shunga! Bakit ka ba nagsasalita? Bulag ka ba at di mo nakita nakatakip ang palad ko sa bibig mo! Wala akong maintindihan!"

Nasstress na ako sa ginagawa ni Patrick. Minsan naiisip ko kung ano ba tumatakbo sa isip ng lalaki na to. Tsk!

Nakita ko napatingin si Patrick sa akin palad. Tsaka dun pa niya narealize kung gaano siya ka tanga.

"Kye, ang alat ng kamay mo!" Reklamo niya nang tinanggal ko na ang palad ko sa bibig niya, "Pambihira yang kamay mo. Ang lamig na nang klima pero basa. Yuck!"

Saka kumuha ng panyo sa bulsa niya at nagpunas.

"Letse ka! Wag mo ma yuck yuck kamay ko!" Agad ko siya binigyan ng batok saka binigyan ng masamang tingin.

"Hindi mo ba alam kung paano ako ninerbiyos kanina dun! Kaya malamang pagpapawisan ito," ani ko

"Pinunasan mo sana ito bago itakip sa bibig ko no?" Reklamo ng kumag na to.

At dahil sa sinabi niya hindi ko maiwasan di mapairap, "Wala na akong time magpunas pa senyorito, dahil baka di ka na inform inulan na tayo ng bala kanina. Uunahin ko pa ba iyon kaysa buhay ko?"

"Atsaka isa pa, kinailangan ko takpan ang bunganga mo dahil malalaman nila kung nasaan tayo. Ang lakas kasi ng boses niyo po. Parang alarm na nagsasabi kung nasaan tayo." Isang plastic na ngiti ang ginawa ko pagkatapos sabihin iyon na tinugonan lang ni Patrick ng pag irap.

Hindi na nagsalita si Patrick pagkatapos nun. Kaya naman naisipan ko pakiramdaman ang paligid sa possibleng panganib na darating.

Malayo layo na rin ang natakbo namin, pero hindi pa rin iyon kasiguraduhan na hindi kami nasundan. Kaya naman kailangan talasan ko ang aking mga pakiramdam upang malaman agad ang nakaabang na panganib.

Akala ko pa naman werewolf yung makakaharap namin, pero ang ending mga bala pala! Hindi ko napaghandaan to ha! Tsk!

Iginala ko ang aking paningin at nakikita ang pamumuo pa rin ng fog sa palibot. Hindi ko alam kung saan parte na kami ng gubat, pero puro kahoy lang ang nakikita ko. Maaring nasa puso na kami nito o di kaya hindi pa nalalayo sa labasan.

Isa din sa napansin ko ay ang unting unti pagdilim. Nagdudulot ito ng pagpahirap sa aming paningin, kaya naman napatingin ako sa relo ko at nakita na mag aalas sais na pala.

Hindi maganda to!

Magsisimula na mag gabi at kami lang dito ni Patrick, sa hindi malaman na lugar. Kinailangan makita na namin ang iba bago pa tuluyan may lumabas panganib. Wala pa naman kami masyado alam sa mga possibleng naninirahan dito. Kaya mas mabuti kung magsama sama kaming lahat.

The more the merrier, kumbaga!

"Kinailangan natin mahanap sila. Baka kung anong nangyari sa atin mga kaibigan." Agad ako tumingin sa smart watch namin at pinindot ang screen saka hinanap ang button para sa tracker app.

Pagkatapos ko pindutin, lumabas din agad ang isang holographic screen na kung saan nakita ko ang mga pulang tuldok, na nagsisilbi na lokasyon ng mga kaibigan namin may smart watch.

Halos lahat ng tuldok ay gumagalaw, walang humihinto maliban sa amin. At isa lang ang ibig sabihin nun... mukhang nasa panganib sila.

"Kailangan natin puntahan ang pinakamalapit sa atin na tuldok, Patrick. Dahil mukhang nanganganib ito." Pinatay ko na ang smart watch nang marinig ang malakas na sigaw ni Patrick.

"Ha!! Haharapin natin muli ang mga bala na yun? Kye, ayoko na!"

"Ano ka ba, Patrick mga kaibigan natin iyon. Kaya dapat natin sila tulungan." Ibinaba ko na ang backpack na dala ko, saka kumuha ng magagamit ko para depensahan ang sarili.

"Pero..pero.. Kye, natatakot na ako! Baka matamaan ako ng bala. At magbabyebye sa mundo na to! At hindi pa ako handa! Di ko pa nasusulat last will and testament ko!"

"Patrick, ano ba! Wag kang magulo!" Saway ko sa kanya ng bigla nito hinawakan ang balikat ko at niyuyugyog.

Di ko tuloy maihanda ang baril na aking gagamitin. Kinakailangan ko pa naman ito iassemble. Pero papaano ko gagawin iyon kung may makulit na unggoy sa akin balikat!

"Kye! Kyeeee! Kyee! Ayoko pang mamatay! Ayoko pa! Ahh! Ahh!" Ngumuwa nguwa ito at nagpatuloy sa pagyugyog ng balikat ko.

Kaya naman mas nahihirapan na ako sa pagbuo ng baril.

Bwesit! Naiinis na ako ha! Hindi ba talaga titigil itong si Patrick sa ginagawa niya? Dahil kung hindi, baka itali ko siya sa puno para tumigil sa pagiinarte!

Sinubukan ko bigyan pa siya ng pagkakataon na tumigil. Hinabaan ko pa konti ang pasencya ko sa kanya dahil iniisip ko na matatauhan din siya. Pero kingina lang! Isang minuto na ang dumaan pero patuloy pa rin siya sa pagiinarte. At nagdulot iyon ng sagabal sa akin ginagawa.

"Argh! Ano ba, Patrick! Hindi ka ba-Ay pucha!" kasabay ng pagsabog ko sa galit ay yun din ang pagrinig namin ng sunod sunod na putok ng baril sa di kalayuan.

"Ahhh!" Malakas na sigaw ni Patrick at kumaripas ng takbo na hindi na lumilingon.

Tangina! Iniwan ako ng loko!

"Patrick! Hoy!"

Para akong mababaliw sa mabilis niya na pagtakbo. Hindi ko alam kung iiwan ko ba ang bag ko o ipasok muli ang mga laman na to sa loob.

"Ughh! Leche!"

Bahala na nga! Iniwan ko na lang ang bag ko para mabilis masundan si Patrick. Maiwan na ang dapat maiwan basta mahabol ko lang ang gunggong na yun!

Kakasabi ko lang kanina na delikado ang mag isa ngayon kaya kailangan mahanap namin ang iba. Tapos ngayon,hihiwalay siya sa akin?

Potek! May balat pa naman iyon sa pwet kaya hindi ko alam kung anong kamalasan mangyayari sa kanya dito. Lalo na binabalotan na ng dilim at fog ang kagubatan na to.

Mabuti na nga lang at naka night vision contact lens na kami. Medyo may nakakatulong sa amin dito sa gubat. Pero hindi iyon magiging sapat na kasiguraduhan sa kaligtasan namin.

"Patrick! Hoy! Hoy! Hintay!" Sigaw ko ng maabutan siya tumatakbo.

Mabuti na lang talaga at hindi pa nakakalayo ang loko na to! Mabilis ko lang siya naabutan kaya naman pilit ko siya pinapahinto.

Pero hindi niya ito naririnig dahil natatabunan lang ang boses ko sa napalakas niya na boses. Bwesit lang! Bakit ba napakanerbiyoso ng lalaki na to?

Bigla bigla na lang tumakbo, eh hindi naman kami pinaputukan ng baril! Ang advance niya mag isip!

"Ayoko pa mamatay! Ayoko paaa!" Sigaw niya muli.

Kaya naman pilit ko inaabot ang braso niya para mahila ko at tumigil.

"Patrick! Kumalma ka nga!" Sabi ko ng mahawakan ang braso niya, "Masyado ka nerbiyoso! Eh hindi naman-Ahh! Shit!"

"Ahhhh! Kyeee!"

Sabay kami napasigaw ni Patrick dahil sa hindi inaasahan niyang pagkahulog sa bangin. Hindi niya kasi napansin na ang tinatakbo niya ay bangin na pala, kaya naman nahulog siya.

At dahil hawak ko siya sumabay din ako sa pagkahulog niya.

Pakshit lang!

"Ahh! Kye! Ayoko pang mamatay! Ayoko pang mamatay! Kaya maawa ka, wag kang bibitaw!" Rinig ko na parang paiyak na si Patrick nang sinabi iyon dahil naririnig ko ang pagkabasag sa boses niya.

"Tumahimik ka kung ayaw mo ilalaglag kita ngayon!" Sigaw ko pabalik na naiinis.

"Ahh! Wag please! Wag Kye!" Pagmamakaawa naman ni Patrick sa akin. Saka naramdaman ko ang pagkapit sa isa niyang kamay sa akin jacket.

Putek! Ang bigat ng lalaki na to! Ugh!

Hindi kami tuluyan na nahulog ni Patrick. Mahuhulog sana. Pero mabilis ako nakahawak sa isang nakausli na bato at iyon ang naging dahilan ng pagligtas namin.

Sinasabi ko na nga ba! May balat sa pwet ang lalaki na to! Napakalapitin ng panganib! Leche!

Ang hirap hirap ng sitwasyon namin ngayon. Nagkabaliktad pa kami ng pwesto. Hindi dapat ako ang nakahawak sa bato eh. Dapat siya!

Siya yung lalaki dito! Mas malakas siya sa akin. Ngunit anong nangyayari, siya ngayon ang hawak ko, pucha!

Alam ko naman na malakas ako. Ineexercise ko ang braso ko paminsan minsan for arm strength. Pero kung isanib pwersa ang timbang ni Patrick, ang timbang ko at gravity. Kingina! Hindi ko masisiguro kung makakaabot ako ng isang oras sa pagkapit dito.

Tumutulo na ang pawis ko kahit malamig ang paligid. Madali pa naman pagpawisan ang palad ko kaya goodluck na lang talaga sa amin. Tapos ramdam ko pa na nanginginig ang braso ko, parang sinasabi nito ilang minuto o segundo bibigay na siya. Takte!

"Kye, kaya mo yan! Alam kong malakas ka! May lahi kang spartan! Dba? Kaya naman alam ko kaya mo kumapit hanggang sa may magligtas sa atin."

Hindi ako sumagot sa sinabi ni Patrick, pero napatingin ang mata ko sa ibaba ng bangin.

At tangina! Hindi ko makita ang dulo nun. Putek!

Kung kanina pinapawisan ako dahil sa bigat agad din naman iyon napalitan ng lamig nang makita ko ang ibaba. Sunod sunod ang paglunok na ginawa ko at pilit na kinakalimutan ang nakita.

Hindi ko na dapat iyon tiningnan! Mas lalo nasisira ang concentrasyon ko sa pagkapit dito. Kung ano ano na lang nararamdaman ko, at hindi nakakatulong iyon sa akin.

"Kye! Kye! Wag mo akong bitawan! Please lang! Wag kang bumitiw! Kahit namamawis ang kamay mo hawakan mo pa rin ako!"

"Heh! Inaasar mo ba ako, Patrick? Akala mo ba ang gaan gaan mo? Leche ka!" Sigaw ko sa kanya habang umuusok ang ilong ko sa inis, "Humanda ka talaga sa akin kung maka alis tayo dito! Bubugbogin kita!"

"Oo na! Oo na! Tatanggapin ko ang bugbog na yan, basta di mo lang ako bibitawan."

Di ko maiwasan di mapairap sa kanyang sinabi, "Alam mo, kung gusto mo talaga na hindi kita bitawan. Bakit hindi mo ako tulungan, aber?"

"P-paano kita matutulungan?"

"Pagaanin mo ang sarili mo! Kingina! Ang bigat bigat mo boi! Parang pasan ko ang daigdig sayo! Maawa ka naman sa braso ko at parang mapuputol dahil ang taba mo!" Hindi ko iwasan ilabas ang hinaing ko sa kanya.

"Anak ng tokneneng naman, Kye! Awts ha! Ang gaan gaan ko lang kaya."

"Gaan your face!"

"Grabe ka na talaga sa akin. Kung hindi mo lang hawak ang buhay ko panigurado-"

"Ano? Ha! Ano? Sige sabihin mo, ano?" Matapang ko sabi sa kanya at nagawang iwinagayway ng konti ang kamay na nakahawak sa kanya.

Mabilis naman nag makaawa si Patrick sa akin at bumawi ng salita. Para itigil ko ang ginagawa.

"Joke lang! Joke lang! Ito naman. Sabi ko nga ang taba taba ko. Kaya kinailangan na ako mag diet kung makalabas tayo dito."

Ayoko sana na magsalita pa. Dahil pakiramdam ko nagiging limited ang hangin dito dahil sa sitwasyon namin. Pinilit ko pa rin magsalita para sabihan si Patrick sa naiisip ko.

"Ngayon mo na gawin. Pagaanin mo ang sarili mo."

"Huh? Pagaanin? Paano?"

"Ilaglag mo ang backpack mo. Nadadagdag lang yan ng bigat sayo." Ani ko sa kanya.

Nagulat naman siya sa akin sinabi. Sinubukan niya sana kumontra dahil nandun ang gadgets niya. Pero nang sinermunan ko siya tungkol sa pagiging mabigat niya. At pagpili kung sino ang hahawakan ko, kung siya o ang backpack niya.

Wala niyang pagdadalawang isip inihulog ang backpack. Medyo nakatulong naman iyon sa akin. Gumaan kahit konti si Patrick.

Pero hindi pa rin sapat. Nararamdaman ko malapit na bumigay ang braso ko sa paghawak. At wala pa sino sa amin kaibigan ang dumadating para tulungan kami.

Pucha! Makakaligtas pa ba kami dito?

"Kye, ok ka pa ba?" Nagsalita muli si Patrick sa akin.

Isang malalim lang na buntong hininga ang isinagot ko sa kanya. Dahil ayoko na magsalita. Kinailangan ereserve ko ang lakas ko sa aking mga braso. Hindi pwede mag aksaya dahil buhay namin ang magiging kapalit kung sakali aaksayahin ko ang aking enerhiya.

Ipinikit ko na nga lang ang mata ko para mas makafocus ako sa paghawak. Ayoko ng distraction.

Pero mahirap ata iyon iwasan kung lalo na kasama mo si Patrick.

"Alam ko napapagod ka na. Kaya naman para mas palakasin pa ang loob mo sa pagkapit. Hahandogan kita ng isang kanta."

Huh? Ano daw? Kanta?

Naimulat ko ang aking mga mata sa sinabi ni Patrick. Hindi kasi agad ako makapaniwala sa akin narinig. Akala ko nabibinge lang ako o ano.

Balak ko pa sana siya tanungin kung tama ba ang narinig ko, nang bigla nito ibinuka ang bibig.

🎶"Kung wala ka nang maiintindihan. Kung wala ka nang makapitan. Kapit kang maigi. Kumapit ka maigi. Wag mo akong bibitawan! Wag mo akong bibitawaaaan!"

Tangina! Ang gusto ko lang naman ng concentration ngayon. Pero paano ko iyon magagawa kung naririnig ko ang basag at sira na piano na boses ni Patrick!

Ughh!

Langya! At nagawa niya pa talaga baguhin ang lyrics ha. Ang dami naman niyang time. Nahiya ako! Buti pa siya ang daming oras makapag isip ng pamalit ng lyrics, habang ako iniisip kung paano kami makaalis dito!

Leche! Nagpatuloy lang sa pagkanta si Patrick, kahit na gustong gusto ko na siya murahin o busalan ang bibig. Pero hindi ko iyon magagawa sa ngayon. Dahil kinakailangan ko nga ereserve ang lakas ko sa mga braso.

Hindi ako dapat magaaksaya ng enerhiya sa ibang bagay gaya ng pagsasalita. Kasi baka mapagod ako at iyon pa ang maging dahilan ng pagkahulog namin ng tuluyan.

Kinakailangan din magconcentrate ako sa pagiisip na hindi mabigat si Patrick at hindi kami hinihila ni gravity. Para makayanan pa ng braso ko kumapit. Sinabayan ko pa ng pagdarasal na sana may makakita sa amin na kaibigan para may humila sa amin paalis dito.

Hindi ko na mabilang kung ilang Our Father, Hail Mary at Glory be ang nagawa simula nung naglambitin kami dito. Alam ko marami rami na din iyon pero hanggang ngayon wala pa rin dumadating.

Pero ok lang. Ipagpapatuloy ko pa rin ang pagdarasal. Alam ko naman hindi ako pababayaan ni Lord. Tutuparin din niya dasal ko. Maya maya lang alam ko may darating din at magliligtas sa amin.

Tiwala lang!

Tiwala lang Kye!

Tiwala lang na makakaya mo pa rin kahit dahan dahan na dumudulas ang mga daliri mo sa pagkapit.

Pucha!

"Kumapit ka sa akin! Kumapit ka-"

"Patrick!" Sumingit na ako sa pagnonoise pollution ni Patrick.

Narinig din niya naman agad ang tawag ko sa kanya, atsaka tinanong kung anong kailangan ko.

Isang tikhim muna ang ginawa ko atsaka napatingin sa akin daliri na nakahawak sa bato, " Alam kong maraming beses kitang inaway, tinukso at sinapak. Tapos minsan parang gusto kitang bugbugin sa lakas ng loob mong kumanta, kahit mala sira na piano ang
boses mo.Pero parati-"

"Ha? Sira na piano ang boses ko? Hindi naman ah! Ganda kaya, parang Gary V lang," pagkontra ni Patrick sa akin sinabi.

"Oo nga parang Gary V lang. Kung sakaling nilulublob siya sa tubig tapos sinasakal, kaparehong kapareho sa boses mo."

"Hayop ka Kye! Nakakasakit ka ng damdamin ha! Kanina mataba tapos ngayon panget ang boses! At sa lahat ng oras ngayon mo talaga sinabi yan kung saan nasa bingit tayo ng kamatayan! Nanglalait ka pa talaga!"

"Hindi ako nanglalait. Nagsasabi ako ng katotohanan, kailangan mo to marinig bago mahuli pa ang lahat."

"Anak ng tokneneng! Bakit mo ba sinasa-"

"Shhh! Wag ka munang magsalita." Putol ko sa kanya. "Ako muna dahil baka mahuli na ang lahat hindi pa ako makahingi ng tawad sayo."

"Pucha! Bakit ka hihingi ng tawad ha? Atsaka bakit mo ba sinasabi ang mga to?!" Gamit ang isang kamay na nakahawak sa akin jacket, naramdaman ko ang paghila hila ni Patrick dito, na mukhang nagwawala.

Hindi ko lang iyon pinansin, dahil nakaglue ang aking mata sa aking mga daliri na dumudulas na.

Takte! Tatlong daliri na lang nakahawak!

"Hoy Kye! Tapatin mo nga ako, ano bang nangyayari sayo at ang weweirdo ng sinasabi mo! Hoy!"

"Gusto mo talaga malaman kung anong nangyayari?" Kalmado ko lang iyon sinabi sa kanya. Pero ang dibdib ko grabe na ang bilis ng tibok dito.

"Oo, ano ba ang nangyayari sayo dyan? Bakit ang weweirdo ng sinasabi mo?"

Isang malalim muna na hininga ang ginawa ko, bago sinagot ang tanong na iyon," Dumudulas ang kamay ko."

"Ha? Ano? Di kita naririnig."

"Dumudulas ang kamay ko."

"A-ano? Lakasan mo medyo ang boses mo dahil hindi ko-"

"DUMUDULAS NA SABI KAMAY KO!"

"Ahh..dumudulas lang-Anak ng tokneneng!??" At kasabay ng pagtaas ng boses ni Patrick ay yun din pagdulas ng huling daliri ko nakakapit sa bato.

"Ahhh!"

"Mommy ko!! Ayoko pa mamatay!"

Hanggang pagsigaw na lang ang tanging nagawa ko habang hinihila na kami ng gravity paibaba. Napakabilis ng pangyayari. Parang kanina lang nakakapit pa kami pero ngayon bumubulusok na paibaba sa napakamalalim na-"

"Fuck! I got you!"

Isang pwersa ang biglang humawak sa pulso ko at nagdulot iyon ng pagkatigil ng pagkahulog namin. Saka naputol ang aking pagsigaw at napalitan ng pagsinghap nang makita ang may gawa nun.

"N-nyle? Nyle!" Napasigaw ako sa tuwa ng makita hila hila na ako ni Nyle pataas sa bangin na to.

"Its ok, I got you, Kyennah." Sabi niya pa ulit.

Hindi ko na napigilan ang aking mga mata lumuha dahil sa kaginhawaan nang sa wakas ay nasa itaas na kami.

Pucha! Akala ko na talaga katapusan ko na kanina. Langya! Ayoko na maulit iyon! Kahit trip ko ang mga extremes sports pero ang nangyari kanina, pucha! Parang aatakihin ako sa puso.

Mabuti na lang talaga at dumating si Nyle. Haay jusko! Kung noon sinasabi ko na kampon siya ng kadiliman, iba na ngayon isa siyang anghel! Ngayon ko talaga napatunayan na kakambal siya ni Haylee. Dahil sa pagdating niya sa tamang oras!

Sobrang saya ko na makita siya na parang gusto ko siya yakapin. Kaya lang kilala ko din ang lalaki na to, alam ko maweiweirduhan siya kapag ginawa ko iyon. Kaya pass na lang. Kakalmahan ko na lang ang aking sarili sa pagbibigay ng pasasalamat sa kanya.

Nakasalampak kaming tatlo dito sa damuhan. Hinihingal at nagiipon ng hangin sa pangyayari na iyon.

"Lupa! Lupa! Namiss kita!" Rinig ko sabi ni Patrick na mukhang nakarecover na habang hinahalikhalikan pa ang lupa na kinauupuan namin.

Napapailing na lang ako sa kanyang ginawa saka hinayaan siya. Masyado na ako na stress sa gunggong na yan, ayoko ng dagdagan pa ito.

Kaya naman imbes na makita ang kabaliwan ng isang iyon, ibinaling ko na lang ang aking paningin kay Nyle. Na kasalukuyan ginagamit ang kanyang inhaler.

At habang ginagawa niya iyon isang malalim na hininga muna ang aking ginawa bago nagsalita.

"Nyle, maraming-"

"Thank God you are safe! I thought I was gonna lose you!" Bigla naputol ang aking sasabihin sana dahil sa mabilis niya pagyakap sa akin.

Uhh...okay?

Hindi ko alam kung anong maerereact sa biglaan niyang pagyakap. Parang kanina lang nagiinhaler pa siya, tapos bigla siya yumakap sa akin. Nagulat ako sa ginawa niya kaya naman hindi ko napigilan mapatalon dito.

Naramdaman din ata ni Nyle ang pagkagulat ko dahil mabilis din siya humiwalay. At narinig ko na lang ang kanyang pagtikhim.

"S-sorry about that. I'm just g-glad you are safe." Sabi niya at bumaling ang ulo sa ibang direksyon.

Kung sa normal na sitwasyon ginawa ni Nyle ang pagyakap. Siguro binara ko na siya, pero dahil niligtas niya ako sa near death experience na yun, papalampasin ko na lang muna ang yakap.

"Ok lang... saka Thank you...sa pagligtas sa amin," sambit ko at bahagya tumawa, "Kung siguro hindi ka dumating, baka naging sunny side up na kami ni Patrick ngayon."

"N-no problem. Least I can do. Since we are a team." Nakita ko ang pagkamot ni Nyle sa kanyang batok kasabay ng pagtikhim at paminsan minsan pagsulyap sa akin.

Ok lang ba si Nyle? Bakit ganito ito umasta? Parang nahihiya na ewan.

"Uhmm... Kyennah, do you feel any pain r-right now?" Tanong niya sa akin bigla.

"Wala naman masyado. Pero teka, try ko mag stretch," ani ko tsaka iniistretch ang katawan ko. "Hmm.. ok lang naman siya. Except lang siguro sa braso ko na masakit dahil nabinat sa pagkapit ko sa bato at kay Patrick."

"Really? Let me take a look." Nagulat na naman ako sa paglapit ni Nyle sa akin. Bahagya pa ako napaatras pero dahil nahawakan niya ang braso ko agad din ako napabalik sa pwesto.

Muli hindi ko naman alam ang aking gagawin. Nastatwa na lang ako bigla habang mahina niya pinisil pisil ang braso ko at dahan dahan iniikot. Gusto ko sana sabihin na hindi na niya kailangan echeck ang braso ko kasi keri ko lang naman ang sakit. Pero nung napatingin ako sa napaka seryoso niya na ekspresyon sa mukha parang umurong ang dila ko.

Basta ko na lang siya pinagmamasdan sa kanyang ginagawa. Kaya naman dahil dun napansin ko kung gaano ka poreless ang lalaki na to. Langya! Mas wala pa siyang pores sa akin.

Tapos ang tangos din pala ng ilong ng kumag na to parang isang mataas na slide. Hindi lang yan yung mga pilikmata niya ang hahaba din. Hindi ko nga lang alam kung dahil ba sa salamin na suot niya kaya humahaba ang mga ito dahil nazozoom in. Pero isa lang ang sigurado ko, bumagay lang din ang mga iyon sa mga chinito niya na mata.

Ngayon ko lang talaga nakita sa malapitan ang itsura ng lalaki na to. Kaya naman namamangha ako na ganito pala ang mukha niya. Noon kasi ang tingin ko sa kanya ay parang kampon ng kadiliman. Parating galit, mapangmataas at grabe ang bilib sa sarili. Kaya naman napakamalaking palaisipan sa akin kung anong nakikita ng mga babae nagkakacrush sa kanya at minsan niyaya pa siya maging boyfriend.

Pero ngayon...now I know, may itsura pala talaga si Mr.Know it all. Tss! At naiinis ako! Bakit ba papuntang perfect na ang nilalang na to? Matalino na nga may itsura pa. Parang ang unfair naman nun sa amin may lakas lang ng loob.

Nakita ko bumuka ang bibig ni Nyle, mukhang may sinasabi. Pero hindi ko iyon naririnig dahil naagaw ang atensyon ko sa pink niya na lips. Kainis lang! Mas pink pa yung lips niya kaysa akin.

Tapos itinagilid niya ang kanyang ulo at bahagya nanlaki ang mata ko ng makita kung gaano ka porma ng panga niya, na parang sa mga anime nakikita ko. Pwedeng pwede ka maghiwa ng mansanas dito!

Hustisya!

Paperfect na talaga ang lalaki na to! Bakit? At bakit ko din ba pinagtutuonan ng pansin ang mukha niya? Hindi ba kagagaling ko lang sa muntikan pagkahulog, tapos ngayon iniisip ko kung gaano kagwapo si Nyle!

Nang narinig ko ang sinabi ng aking isipan, bigla ako napasinghap at nanlaki ang mata.

Pucha! Seryoso ba ako dun? Tinawag ko talaga na gwapo ang Nyle na to? Juicecolored! Bakit lumalabas ang malanding side ko ngayon? At kay Nyle talaga? Takte!

Dahil sa akin naisip, mabilis ko sinampal ang aking mga pisngi para magising sa kagagahan ko.

"Are you ok, Kyennah?" Para akong nabuhusan ng tubig ng marinig ang tanong ni Nyle sa akin.

Nakita ko napaisa ang kanyang isang kilay at nagtatanong ang mga mata niya. Dahil bigla ko na lang sinampal ang sarili ko.

At para matago ang kahihiyan, isang pekeng tawa ang aking ginawa. At nagpalusot na may lamok ako pinapatay. Alam ko ang pangit ng palusot ko pero hindi na nagtanong pa si Nyle.

Hiniyaan niya lang iyon at pinagpatuloy ang sinasabi kanina tungkol sa braso ko. Nang may narinig kami na pagtikhim.

"Yes, Patrick?" Tanong ni Nyle dito.

"Bespren Nyle, nakita ko ang pag aalala mo kay Kye. Alam mo bang kasama din ako sa nahulog kanina? Baka gusto mo rin ako echeck?" pagngisi ni Patrick dito.

Muntik ko na nakalimutan, kasama nga pala namin si Patrick. Bigka kasi ang pagtahimik niya kaya nakalimutan ko kasama pala namin siya.

Kung ano kasi kabaliwan naiisip mo Kye! Tss!

"Ah, yes. You ok?" Tanong ni Nyle dito hawak pa rin ang braso ko.

"Oo, bespren Nyle! Ok na ok lang ako at- anak ng tokneneng! Dedma?" Reklamo ni Patrick nang ibinaling ni Nyle ang tingin niya sa akin braso at nagsalita kung papaano gamutin iyon.

At gustuhin ko man na pagsabihan si Nyle na bigyan ng atensyon si Patrick dahil nakakabahala ang pagdaldal niya na mag isa. Pero pilit din kinukuha ni Nyle ang aking atensyon para makinig sa kanya.

"Alam niyo ang sarap niyo talaga maging bespren!" Rinig ko ang boses ni Patrick na nagrereklamo," Ramdam na ramdam ko talaga ang support at pag aalala niyo sa akin! Grabe! Wooh! Pambihira! Akala ko pa naman iba ka Nyle, pero mukhang magiging katulad ka din nina Insan at-Anong ginagawa mo dito?!!"

Nagulat kami sa malakas na sigaw ni Patrick habang nakatingin sa isang direksyon. Sinundan ko kung saan siya nakatingin at nagulat nang makita ang kararating lang.

Bakit siya nandito?

"Caleb." Napatingin ako ng sinabi ni Nyle iyon sa kanya. At nagtaka kung bakit hindi siya nagulat.

Alam niya ba nandito ang pamangkin ni Don Emilio? Papaano? At anong pakay nito sa Mizuki Forest? Mukhang may tinatago ata si Nyle sa amin ah.

Naramdaman niya siguro ang katanungan sa akin isip, dahil siya na mismo ang sumagot dito," I already saw Caleb awhile ago. He help me escape those armed men. And like you, I was suprised to see him too. And I tried to also ask why he's here. But he just answered it by asking me where Lia is. Then I heard your scream so I immediately ran in here."

Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa kanyang sinabi o paghihinalaan ito. Tunog defensive kasi.

"Ano?! Bakit niya hinahanap ito? Siguro kaaway siya! Kasali sa namaril sa atin kanina!" Agad nabaling ang atensyon ko dahil sa malakas na pag angal ni Patrick.

"I told you, Pat. Tinulungan ako ni Caleb kanina. He beat those armed men from shooting me." Depensa ni Nyle, saka tumingin kay Caleb," Sorry, if I just left you awhile ago. Its so rude of me. But I got worried when I heard Kyennah's scream."

Nakita ko magsasalita pa sana si Caleb pero naunahan siya ni Patrick.

"At naniwala ka naman Nyle na mabait yan? Hindi mo ba alam na yan ang galawan ng mga kontrabida sa pelikula. Aakalain mo kakampi pero sila pala talaga ang mastermind!" Gigil na sabi ni Patrick sabay tayo.

Sumunod na lang din kami sa kanyang kilos. Nang magsalita si Caleb.

"I have nothing to do against those who shoot you. Trust me, I am here for a different-"

"Hoy lalaking takot sa barbero!" Nagulat ako ng bigla itinuro ni Patrick si Caleb. Di ko aakalain gaganyanin niya ito. Ang laki kaya ng katawan ni Caleb kaysa kanya. Baka mamaya pitikin lang siya at lumipad.

"Wag mo ng itanggi pa, dahil alam ko ang binabalak mo! Kaya naman binabalaan na kita, wag kang magtangkang gawan kami ng masama dahil..dahil.." Kumilos si Patrick at parang may inaabot sa likod. Mukhang gusto niya kumuha ng gadgets, pero nakalimutan ata niya inihulog niya iyon kanina.

"Pucha! Nahulog ko pala." Ayan na realize niya na. Napatampal na lang ako sa akin noo dahil sa kanyang ginawa. Napaka epic fail kasi nito. Haay naku! At akala ko aatras na siya sa pagsisindak kay Caleb.

Pero hindi! Patuloy niya pa rin ito sa pagsisindak acting niya. At nagawa pang lumapit kay Caleb.

Tsk! Kung maka sindak ang gunggong na to akala mo hindi sumigaw ng mommy kanina eh.

Sinubukan niya pantayan si Caleb. Pero hanggang tenga lang talaga siya nito. Kaya naman tumingkayad pa siya para magpantay sila.

"I have no time for this." Panimula ni Caleb dito. "Nandito ako para hindi kayo barilin o saktan. May ibang pakay ako. At iyon ay ang paghahanap kay Lia."

Lia? Anong kailangan niya rito?

"I really need to find her! Kaya naman nagbabakasakali ako na baka nakita niyo siya, kasi kayo ang huli niyang kasama."

"Anak ng tokneneng! Anong kailangan mo kay Lia ko? Ha! Ha!" Sinubukan banggain ni Patrick ito gamit ang dibdib niya. Pero siya pa ang napa atras sa kanyang ginawa.

"Yours? Lia is not yours." Mariin na sabi ni Caleb habang sinamaan ng tingin si Patrick.

Kinabahan ako sa ekspresyon na iyon ni Caleb. Para kasing gusto niya suntukin si Patrick. May relasyon ba siya kay Lia, dahil ramdam ko ang pagkainis niya kay Patrick.

"Hindi pa! But soon, magiging akin-"

"Patrick, thats enough!" Saway ni Nyle dito habang hinawakan sa braso ito.

Iniwakli lang ni Patrick ang hawak ni Nyle at muling humarap kay Caleb. Pero nang lumapit si Caleb mabilis din naman siyang umatras.

Kita mo na, napakafeelingero din ng isang to eh.

"Hoy Boy panga! Bakit mo ba hinahanap si Lia ha? At talaga pumunta ka pa rito. Bakit? Boyfriend ka ba niya?"

"Patrick, stop that. You are beginning to be rude." Saway ni Nyle

"Pero, Nyle-"

"It doesnt matter of who am I to her. But Lia isn't anybody's posession. She isn't born in this world to be cage or owned. Rather she deserves to be free. And do whatever she wants." Sambit ni Caleb at nakita ko ang pagkuyom ng kanyang kamao.

"P*ta! english!" Mahinang bulong ni Patrick.

"Patrick." Banta ni Nyle dito.

"Which is why, I will do anything to keep her safe and free. Kaya parang awa niyo na, sabihin niyo sa akin kung nasaan si Lia. For I really need to find her before its too late." Dagdag ni Caleb.

At dahil sa kanyang sinabi, bigla tuloy ako nahiwagaan sa kanyang sinabi. Napukaw ang aking curiousidad sa kanyang mga salita binitawan. Too late daw?

Bakit atat na atat siya mahanap si Lia ha? At bakit nakikita ko sa aking mga mata ang takot at nerbiyos niya ngayon? Parang may pinapahiwatig ito na panganib.

Pero ano iyon?

Balak ko na sana tanungin iyon sa kanya. Pero naunahan ako ni Patrick sa pagtanong.

"Hoy boy panga! Anong pinagsasabi mo ha? Bakit ganyan ang sinasabi mo kay Lia? Eh hindi naman siya nakakulong. Baliw ka ba? Dahil-aray Kye!" Di ko maiwasan di sapakin ang lalaki na to.

Kung ano ano na lang sinasabi. Ok na sana yung tanong niya pero dinagdagan pa ng baliw ka ba, pambihira!

"Pasencya na sa sinabi ni Patrick, Caleb. Kagagaling lang kasi sa pagkahulog kaya medyo maluwag ang isip." Ani ko.

"Hoy Kye, hindi kaya! Kainis ka na-"

"I don't mind what he says. Dahil ang importante sa akin ngayon ay mahanap si Lia," sambit ni Caleb sa amin. "At mukhang wala kayong ideya kung nasaan siya. Kaya naman, I really need to go. Bago pa din niya ako mahanap."

At pagkatapos sabihin ni Caleb iyon agad niya kami tinalikuran at mabilis na ikinilos ang paa.

"Teka! Sandali, Caleb!" Sinubukan ko pigilan siya. Pero sadyang hindi na niya ako pinakinggan.

Kaya naman wala akong choice kundi sumunod sa kanya. Masyado mahahaba ang biyas ng lalaki na ito. Yung isang hakbang niya kasi dalawa na sa akin.

At dahil sa nangyari kanina ramdam ko pa rin na medyo nanginginig ang aking mga braso at binto. Pero kailangan mahabol ko ang lalaki na ito, dahil pinagulo niya ang isipan ko ngayon gabi sa mga sinasabi niya. Hindi maari di ko makuha ang sagot dahil kinakain ako ng aking curiousidad!

Sumunod ako kay Caleb, at naramdaman ko rin sumunod sina Nyle. Kahit na nagrereklamo si Patrick sa likod kung bakit kami sumusunod.

Dirediretso lang ang lakad niya. Hindi pinapakinggan ang tawag ko. Kaya naman balak ko na sana tumakbo para makahabol.

Pero di natuloy. Kasi bigla siya napahinto sa paglalakad.

"Haay salamat naman at huminto ka rin, Caleb! Akala ko-"

Di ko na natuloy ang aking pagsasalita dahil bigla sinirado ni Caleb ang labi ko gamit ang hintuturo, "Shh! Quiet."

At dahil sa sinabi niya na iyon, dun ko lang din napansin ang pamumuo ng fog sa paligid namin. Kung kanina nasa tuhod lang namin ito, ngayon dahan dahan na ito umaangat at bumabalot sa buong paligid.

Nag react agad ang buong katawan ko sa nangyayari. Parang agad nahuhulaan na may possibleng kapahamakan magaganap.

Nakita ko na napansin na din nina Nyle at Patrick ang fog. At kagaya ko mukhang alam din nila ang pupwede na mangyayari. Hinanda nina Caleb at Nyle ang hawak na baril. Tanging sila lang ang meron weapon sa amin ngayon. Pero kahit ganun naniniwala ako na kaya ko pa rin depensahan sarili ko gamit ang aking mga kamay.

Ang tahimik ng paligid. Ang kaninang naririnig ko na mga kuliglig at tunog ng mga insekto ay nawala. At napalitan ng nakakabinging katahimikan. Sinimulan ko na iginala ang paningin para hanapin ang possibleng lalabas sa fog na to.

Hinanda na namin ang aming sarili ss mga mangyayari. Pero lumipas ang ilang minuto pagaabang, walang anuman ang dumating. Nakita ko bumababa na ang taas ng fog at bumabalik hanggang tuhod na lang.

Mukhang masyado ata kami advance mag isip. Akala ko pa naman lalabas na ang sikat na lobo na hinihintay namin. Pero wala lang pala.

Kaya naman nakahinga ako ng maluwag ng konti dun kasama na din sina Nyle.

"Pucha! Kinabahan ako dun ah! Akala ko may mangyayari na." Malakas na buntong hininga ni Patrick sabay punas ng pawis sa noo.

"Teka, Caleb." Agad ko hinawakan ang braso niya ng makita ko ang mabilis na sana niya pag alis.

Napigilan ko siya saka napatingin sa kamay ko na nakahawak sa kanya.

"Bago ka muna umalis pwede bang magpaliwanag ka kung bakit ganun ang sinasabi mo kay Lia? Kung para saan ang paghahanap mo sa kanya ha? Nanganganib ba siya?" Sunod sunod ko na tanong.

Nakatungo lang ang kanyang ulo. Habang nakaabang ako sa kanyang sagot. Nang bigla siya napailing.

"Just...it'll be dangerous if she is left alone." Sagot niya at napahigpit ang hawak sa kanyang baril.

At dahil dun sa sagot niya hindi maiwasan ang pagkakunot ng aking noo. Ano ba ang ibig sabihin niya dun?

"That's the only thing I can tell you." Saka ikinalas ang hawak ko sa aking kamay.

Sinubukan ko pa siya pigilan pero mukhang desidido na siya umalis. Mabilis niya naihakbang ang kanyang mga paa , kaya sinubukan ko muli makiusap.

"Caleb, teka wag-Nakng tatay mo! C-caleb!" Bulalas ko sabay atras palayo.

"Ahhh! Tangina! Nyle!" Malakas din sigaw ni Patrick nang makita ang biglang nagpakita sa amin at humarang sa dinaraanan ni Caleb.

Hindi ko alam kung saan ito nanggaling pero mabilis ito humarang sa dadaraanan sana ni Caleb. Muntik pa siya mapahamak sa pagsulpot nito. Dahil mabilis itong sumugod patungo sa kanya.

Mabuti na lang mabilis yung reflex niya at nailayo ang sarili, sa harapan ng nakakapahindik balahibo na itim na lobo.

Napakalaki ng lobo na to na aakalain mong singlaki na ng tao. Kulay itim ito na may dilaw na mata na parang nanlilisik at nakalabas ang mga pangil na parang gutom na gutom.

Takte! Kung makatingin naman ito parang takam na takam sa amin!

At hula ko lang mukhang iisa ang lobo na to sa umatake kay Sir Raul. Ang sinasabing lobo na nagbabantay sa kagubatan na to.

Ibinuka nito ang kanyang bibig saka mabilis na isinara upang mag abot ang kanyang mga ngipin. Napatalon ako ng marinig ang tunog na iyon kasabay ng pagkabilis ng tibok ng puso ko at pamamawis sa kamay.

Pagkatapos, bigla ito nagpakawala ng isang nakakakaba na tunog na parang kulog kung pakinggan.

Nagdulot ito ng konting panginig sa akin sistema. Pero pinilit ko alisin. Saka nagiisip kung paano takasan. Alam ko kanina hinihintay ko ang pagsulpot ng lobo na to.

Pero nang makita kung gaano ito kalaki, mukhang kinakailangan namin ng back up. Lalo na at wala kaming dalawa ni Patrick ka dala dala na sandata.

Sa laki kasi nito, pakiramdam ko kung babarilin namin ng isang bala mukhang kukulangin pa. Dapat inaambush ang ganitong kalaki na nilalang.

Kaya naman kailangan muna namin umatras sa laban na to at tumakas.

At ang tanong, paano?

Lalo na at pakiramdam ko mas mabilis pa ito sa amin sa pagtakbo.

----
(M/N: Alam ko mamaya pa ang 2021 pero gusto ko lang kayo pasalamatan sa walang sawang supporta sa storya na to ngayon taon. Sa tuwing nababasa ko mga comments niyo at minsan messages. Kilig ang dulot nito sa akin. ( kayo na lang talaga nagpapakilig sa akin. Naks!)

Alot of my plans this year have been cancelled. Nakakalungkot. But I know everything has a reason. And you my readers, are my reason. Once again, I am so grateful for your warm support sa akin at sa storya na to, for it help me ace this year 2020 with still a smile on my face. And sana sa susunod na taon nandyan pa rin kayo sumuporta sa TPD.

See you in 2021! At sana sa taon na yun matapos ko na din ang season 2 ;)

Happy New Year! And welcome 2021🎉🎉🎉

Xoxo
MNchan👩🏼‍🦰

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 25.4K 37
Katropa Series Book 2 [Completed] Language: Filipino May babaeng nagpapakita, nanunukso at pumapatay sa isang Junction. Nangyayari lamang ito kada...
2K 120 37
Sa mundong binabalot ng mga lihim at panlilinlang, sino ang dapat pagkatiwalaan? -- Si Rhealle ay hindi naniniwala sa mga bagay na mahiwaga. Para sa...
470K 29.9K 144
Once upon a time, the story never started... Snow White found herself in the most twisted situation she could ever imagine---being a slave to the Sev...
132K 5.7K 61
Teenage Paranormal Detectives are a group of students that tackles different paranormal mysteries and entities while juggling their teenage everyday...