Once in a Lifetime (Valdemora...

By anchoraigee

5.4K 184 11

The meaning of friendship for Phoebe Charis Espeja doesn't involve a romantic feelings. In terms of that, she... More

Once in a Lifetime
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Jacob Ezra
Author's Gratitude

Chapter 14

84 3 0
By anchoraigee

"Pa, I wanted to be like you in the future," saad ko. He just stared at me with full of positivity in his eyes, like he already supported me on what my decision is.

Sa kanya ko yata nakuha ang pagmamahal sa dagat kung saan handa akong ibigay ang makakaya ko para sa mga pangarap ko. He's working on a cruise ship. At katulad din niya, gusto kong magtrabaho rin doon balang araw.

He nodded his head while eating both our favorite food. We both like chicken dishes.

"Sure. Anything for you. Nakasuporta naman ako lagi sa'yo, anak. Just always remember that maybe for some people, ocean is a large graveyard. It took many lives of people, but I am sure that you'll love the calmness of the waters at night. Sinisigurado ko 'yan sa'yo," he replied while having his smiles. Ganoon din ang naging tugon ko sa kanya.

Of course. I'll work there no matter what may happen.

"At plano ko nga po sanang mag-aral maging piloto kapag nakapagtrabaho na ako sa barko."

"Really? Then that's good. Alam ko naman na kakayanin mo ang lahat, anak. Ikaw ang magiging kauna-unahang piloto sa pamilya natin niyan." My father back then told me that he wanted to be a pilot. But instead of conquering the sky, he ended up conquering the sea. Iyon ang malaking pangarap niya sa sarili pero hindi natupad kasi sa kanilang pamilya, puro sa barko lahat nagtatrabaho so it's like a tradition for them.

I cleared my throat. Uminom ako sa tubig na nasa gilid bago nagsalita ulit.

"I want to conquer both the sky and the sea. Gusto ko pong matupad po iyong pangarap niyo dati sa sarili ninyo. And I want to have you on both of my success." Na kahit sa ganoong dahilan man lang ay makita kong magkasama sila ulit ni Mama. He knew that I wanted to witness all of my successes with both of them on my side.

He smiled weakly as if I said something that weakened him. Ramdam ko ang tila pagkailang niya sa sinabi ko.

As far as I know, they are in good terms. Nagkahiwalay nga sila pero alam kong pareho silang mabuti sa isa't isa. My father has no any hatred at all to my mother.

"Ah... syempre naman. Hindi naman ako mawawala sa espesyal mong araw. I will be at your side," tugon niya na ikinaginhawa ko.

"So, hanggang sa kasal ko rin po ba?" I jokingly asked him. Pinigilan ko ang mangiti nang mapansin ang kanyang gulat na eskpresyon.

"Ano? Ikakasal ka na?"

Napairap ako ng bahagya. Sa edad kong ito, hindi ko pa naiisip na magpakasal. I'm too young for that decision. Kaya ko ngang magdesisyon na sa sarili pero wala pa sa isip ko ang kasal na 'yan.

"Hindi naman, Pa. What I mean is, nandoon ka rin ba kapag ikakasal na ako sa susunod? Kailangan dalawa kayo ni Mama."

"Sus, syempre oo naman. Para sa ano pang naging Papa mo ako? Gusto ko ngang masilayan kang nakangiti habang naglalakad ka papuntang altar. Maranasan ko man lang din umiyak sa harap mo."

I laughed at that. Natawa rin ito sa nasabi kaya halos hindi na kami nakakain ng maayos.

Mula naman dati ay hindi ko nasilayan sa kanya ang umiyak. I've never seen him shedding a tear in front of me. Wala naman sa listahan kong makita nga siyang umiiyak, 'di bale na lang kung dahil sa tuwa ang dahilan niyon.

We reminisced some of our memories at the restaurant. Tila nakalimutan ko ang panandaliang lungkot na naramdaman dahil sa naging oras kay Papa.

Sa kalagitnaan niyon ay nakatanggap ako ng text kay Jacob na naroon na raw ito sa beach kasama ang kanyang barkada. Sayang nga lang dahil ngayon pala ang kanilang lakad na iyon kaya hindi na nakita pa si Papa ngayon.

"Still friends with that Valdemora guy? Tagal niyo nang friends, ah?" sita sa akin ni Papa habang naroon ang mapanuring tingin. Kilala naman na niya si Jacob at sadyang nabibilib lang sa tagal ng pagkakaibigan namin ni Jacob.

"Oo naman po. We can still be friends in our lifetime. Kahit nga tumanda kami, siguro mananatiling magkaibigan pa din. Walang kaso iyon."

"Hmm. Then what about Alonzo? Bakit hindi mo siya kasama?" sandali akong natigilan. Parang biglang umurong ang laway ko nang sandaling tanungin niya ako tungkol doon.

I cleared my throat once again. Tila naging tuyo ang lalamunan ko kaagad. Para akong napipi ng biglaan dahil sa hindi ko alam kung anong dapat na salita ang sasabihin ko ba.

Can I say that we're okay though we're not? Pwede ko rin bang sabihin na maayos lang din ako kahit na hindi naman? Our relationship is not in good terms. Alangan namang ipaalam ko pa iyon kay Papa?

Mas lalo lang akong mapanghihinaan ng loob kapag nag-open up ako sa kanya. Baka maiiyak na naman ako at mauuwi sa pagsumbong sa kanya kahit na ayoko naman.

I mean, hindi naman totally papalubog ang kung anumang meron sa amin ni Alonzo. It's just that I feel like we're both drowning and no one's saving us, even ourselves.

Minsan nga ay napapatanong na ako kung kaya ko bang sagipin kahit na mag-isa lang ako? Na kahit mag-isa lang ako ang hahatak pataas ng relasyon namin? Ilang linggo naman na siyang hindi nagpaparamdam sa akin. Maski text ay hindi ko rin magawa kasi baka hindi rin naman niya mapansin.

"We're doing good naman po. Busy lang po siya sa pag-aaral." Lagi naman. Iyon ang nagiging dahilan ko parati tuwing may magtatanong tungkol sa kanya. Nakakarindi na ring sabihin pero wala, eh. Iyon ang dahilan na laging kinakapitan ko.

Iniwas ko ang naging topic pagkatapos niyon. I don't want to talk about it now. Gusto ko munang sanayin ang sariling hindi binabanggit ang kanyang pangalan. And I don't want to hear his name even just for a day.

Kung sinasanay niya ako na ganito, edi sasanayin ko rin ang sarili. Mas kakayanin ko naman. Hindi naman ako iyong palaging umaasa sa presensya niya.

After my dad's treat for me, he insisted to drop me to our house but I have my car. Gusto ko man na makapunta siya sa bahay, ayaw naman niya. Ang sabi, susunod na lang daw kasi may gagawin pa siya.

Sa huli, mag-isa akong nakauwi at pagdating sa bahay ay wala pa si Mama. Hindi pa man ako nakakapagbihis ay kaagad na tumunog ang phone ko.

Jacob chatted me. May naisend itong dalawang picture at pagkabukas ko pa lang ay iyong magandang shots na ang bumungad sa akin. He's wearing his floral shirt together with his khaki shorts. Siya ay nakangiti sa unang photo habang sa pangalawa naman ay naka wacky.

From: Jacob

Saan mas maganda?

To: Jacob

Iyong una. Mukha kang gwapo dun.

From: Jacob

Talaga? Sige...

To: Jacob

Anong sige? Lutang ka na ba?

Ilang sandali pa bago siya makareply sa akin.

From: Jacob

Sige. Gawin mo nang wallpaper mo. Angas ng mukha ko dyan.

Napakagat ako sa labi at hindi mapigilang matawa sa kanyang naging banat sa akin. Hindi pa man ako nakakakilos ay tila nanghina na ang paa ko sa kanyang nasabi.

Doon lang nagtapos ang aming pagpapalitan ng mensahe dahil hindi ko nakakaya ang kung anong nata-type niya sa ngayon. I immediately took my rest after that. Hindi na ako nagkaroon pa ng tyansang mahintay si Mama dahil kinabukasan, doon ko lang ulit siya nakita sa bahay.

She actually went to my grandparents' house. Inabutan ng malakas na ulan kaya hindi nakauwi kaagad.

Then I told her about Papa, meeting me yesterday. Saglit siyang natigilan at hindi kaagad nakakilos dahil sa isiniwalat ko.

I prepared my breakfast. There's a bowl of milk and cereal. Naupo ako sa mesa at dinaluhan siya.

Parang biglang tumigil ang kanyang mundo nang marinig iyon sa akin. Okay naman silang dalawa pero bakit parang pareho silang naapektuhan? Is there something I don't know?

"Nilibre niya ako. Nakasalubong siya nina Jha kahapon kaya nakipagkita na ako," sabi ko pa sa kanya. She remained silent. Naningkit iyong mata ko habang kinakain iyong cereal. Hindi natigil ang ginagawa ko habang nakatitig sa kanya.

"Ma? May problema po ba kayo?" I immediately asked her. Doon lang ito natauhan at parang nagulat pa dahil sa boses ko.

"Wala naman. Sadyang nagulat lang ako sa biglaang pag-uwi ng Papa mo," tugon niya sa akin nang makabawi na. I thought she's in a big trouble. Parang iyon kasi ang ipinapahiwatig ng kilos niya.

"Ayos lang ba kayong dalawa, Ma?"

"Oo naman. Bakit naman kami hindi magiging maayos? We're both okay to each other."

Kahit na medyo naguguluhan ay napaniwala ako doon. Hindi na ako nang-usisa pa at nakuntento doon sa naging sagot niya sa akin.

Tawag ng tawag si Jacob sa phone ko pero hindi ko sinasagot dahil alam kong tungkol lang sa gala niya ang ikukwento sa akin. Gusto ko na munang makapagpahinga lalo pa't mukhang ngayon lang ang libre kong araw. And I don't want to steal his attention from his friends.

Baka imbes na nag-eenjoy ito roon, baka kapag sakaling sinagot ko ang mga tawag niya ay sa akin lang ang kanyang atensyon. So my solution to that is not to answer his calls.

I was busy deep thinking in my room after having my breakfast when I received a text. Dahil sa nakaugalian, hindi ko na muna binuksan iyon dahil paniguradong si Jacob lang din naman. Hindi ko alam kung ilang araw siya roon sa beach na kanyang sinasabi. Ewan ko nga kung nami-miss niya ba ako o sadyang wala lang siyang makakulitan sa ngayon.

He has lots of his friends there. Paniguradong marami-rami ang kanyang kaasaran doon.

I have no plans to get my phone and check who messaged me. Pero nang sandaling tumunog ito ulit ng sunod-sunod ay doon na ako hindi nakatimpi.

I grabbed my phone and then my body froze for a moment when I saw whose name was written on the screen. Hindi kaagad ako nakapag-react dahil sa matinding gulat at pagtaka. I've been waiting for Alonzo's name to appear on my phone and here it is.

Napalunok ako ng matigas dahil pagkatapos ng ilang linggo, sa wakas ay naisipan niya akong paramdaman. I mean, I wanted to effort but I don't want it to go to waste. Ngayon ay parang nabuhay ang katawan ko sa simpleng dahilang iyon.

Kaagad akong nagbihis. Sinigurado kong malinis ang aking mukha bago tuluyang naging komportable na sa suot ko.

He invited me for a simple treat. Okay lang naman sa akin basta maayos lang namin ito. And Christmas is near so I wanted to settle everything first with him.

Mag-isa kong tinahak ang daan papunta sa restau na kanyang sinasabi. I'm feeling a bit of nervous inside me. Hindi ko na naman alam kung ano ba ang magiging pakay niya sa magiging usapan namin. At wala akong ideya basta ang sa akin lang, maayos lang namin ito.

Nang makarating na ay dumiretso ako sa loob. Kaagad kong napansin ang kanyang presensya sa medyo dulo kaya hindi na ako nagdalawang-isip pa na doon pumunta.

My hands are shaking. My knees are slightly wobbling. Hinawakan ko ng mahigpit ang purse.

I'm wearing a black sleeveless and some pants. Pagkarating pa lang sa harap niya ay kaagad akong napahingi ng pasensya dahil sa mukhang late ako sa usapan.

I licked my lips and then he let me sat first in front of him. Napapatitig lang ako sa kanyang mukha na walang pinagbago. He's the same old Alonzo. Naroon ang pagod sa mukha at alam ko kung anong dahilan niyon.

"Kumusta? Long weeks no see," panimula ko sa usapan. He laughed a bit and drank his water. Napatitig na rin ito sa akin ngayon na parang mawawala ako sa paningin niya kahit isang beses niya lang iwala ang tingin sa akin.

"I'm quite good. Tired but I know what I'm chasing is worth it. Ikaw?" Gusto kong sabihin sa kanya kung paano ako mangulila sa kanya noong una. Gusto kong ipaalam na hindi ko nakayanang hindi man lang makausap siya. At gusto kong sabihin na sinanay ko rin ang sarili sa pagiging mag-isa.

But I just shrugged and let it all flooded inside my mind.

"Same as ever. Ganoon pa rin."

A short reply but full of hopes that he's not here to confirm to me that he will finally leave me. Ganoon ang tingin ko noong una kasi syempre, sa malayo siya mag-aaral. He knows that I can't handle a long distance relationship saka dagdagan pa ng kanyang magiging schedule. That's too hard for me.

He nodded his head and then breathed deeply. I bit my lip. Sa kanyang aura pa lang ay tila may halo nang kalungkutan iyon. And I don't know how I will react if he will really reveal to me what's on his mind. Kung bakit nandirito ako.

"You know that I agreed to study abroad, right? Na doon na ako mag-aaral at magtatapos because dad wants me to go to his dream school for me. And I took the chance."

May kung anong bumara sa lalamunan ko. I managed to sit properly though I feel that I can finally pass out of what he have said. Mas lalong nadagdagan ang panginginig ng kamay ko.

"So, when are you leaving? I hope you don't mind that I asked-"

"I actually called you to end our relationship. My dad suggested me this because he knows that we both can't have our own time, lalo na sa akin kasi malayo ako sa'yo. And I agreed also to that," pagpuputol niya sa akin.

I gasped, and then cannot believe of what I am hearing now. He gave life to what I've been thinking first then. Gusto kong ipaalam pa naman sana na nagkita ulit kami ni Papa, kaso mukhang hindi na mangyayari pa.

Mahina akong napangiti, pinapaalam na suportado siya sa kanyang naging desisyon.

"Okay then. You can study to the school where your father dreamt you to study. I will be wishing you good luck."

How fearless I am to say those words without cracking my voice. May masakit na sa lalamunan ko pero nagawa kong sabihin iyon ng klaro sa kanyang pandinig.

"Thanks for the memories. I'm sorry I need to hurry. Flight ko na kasi ngayon," he said while eyeing his watch. Napatango ako ng wala sa oras saka napasunod na lang ang matang nakatingin sa kanya habang patayo ito. "I guess this is goodbye?"

Tumango ako ulit. Walang salita ang nangahas na lumabas mula sa akin ngayon. It's like they're prohibited to go out of their cage. Ganoon ba ang dapat na maging reaksyon kapag nagpapaalam na sa iyo ang tao?

He walked, turning his back at me fastly without letting me say my proper goodbye for him. Mabilis na nawala siya sa paningin ko dahil sa pagmamadali.

"Thanks for the memories, too."

Yes, what we both shared will serve as a memory for me now.

Continue Reading

You'll Also Like

447K 32.1K 43
ပဲပြုတ်သည်ငပြူးနဲ့ ဆိုက်ကားဆရာငလူးတို့ရဲ့ story လေးတစ်ပုဒ်
222K 16.4K 21
Avantika Aadish Rajawat Aadi, with his fiery nature, adds intensity and excitement to their relationship, igniting a spark in Avni. Avni, like the ca...
Gentle touch By K

General Fiction

50K 1.1K 32
It had been mere months after her eighteen birthday, when she was pulled from the safe haven of her life and forced into the fantasy the women had cr...
Ice Cold By m

General Fiction

2.2M 83.5K 49
[boyxboy] Wren Ridley is always two steps ahead of everyone, or so he thinks. His life seems out of his control when he starts having feelings for so...