Debbie's POV
Papunta ako ngayon sa tinutuluyan ni Santi, sana lang talaga tama ang lugar na binigay ni Reun sa akin dahil kung hindi, walang pag dadalawang isip na sasabihin ko ang lahat lahat kay Saxia.
"Mam okay na po ang sasakyan"
Ani ng driver ko
It's better to drive on my own.
"sige, ako nalang ang mag dadrive para sa sarili ko mag day off ka muna and take this as your bonus"
Kaagad na kinuha ko ang susi ng sasakyan at minaneho iyon.
I just can't wait to see him again. I want him back!
Nag lakad ako palapit sa gate pero napatigil ako ng marinig ang tawanan mula sa bandang kaliwa ng bahay and mula sa kinatatayuan ko kitang kita ng dalawa kong mata ang mga ngiti sa labi niya
Ang saya nilang tingnan, sobrang lakas ng bawat tawa niya habang nilalaro ang batang lalaki
Nakakaalala na ba siya?
I cleared my throat bago tuluyang mag doorbell
Hindi ako mag papatalo, dapat ang kasayahan na yun ay akin.
Ang mga tingin at tawa na yun ay dapat sa akin at sa future family namin hindi sa kanila.
"sandali"
Sigaw ng babaeng papalapit sa gate
Laking gulat pa neto ng makita ako pero hindi ko na siya binigyab pa ng atensyon
"De-bbie"
Walang emosyon ko siyang tiningnan at nag patiunang pumasok
Hahakbang palang muli ako ng hawakan niya ako sa braso
"hindi ka pwede dito, mabuti pa umalis kana"
Malakas na kinalas ko ang aking braso sa pag kakahawak niya
"you have no right to tell me what to do, hindi mo ito bahay kaya wala kang karapatan Morisse"
Matapang kong sabi dito
Tinalikuran ko siya na kaagad ding sumunod sa akin papunta sa backyard kung saan nandoon silang lahat na nag sasaya.
isang tao lang ang hindi nahagip ng paningin ko, ang taong pinaka mamahal ng aking mahal.
"Sash"
gulat na tawag sa akin ni Santi
nangiti ako sa kaniya at mahigpit na niyakap isa lang ibig sabihin nito na hindi pa rin bumabalik ang ala ala niya at sana huwag na talagang bumalik.
"Sants nandito na ulit ako aalis na tayo, babawiin kita sa kanila"
naiiyak kong sabi habang yakap siya
"Anong aalis, he belongs here kaya hindi siya pwedeng umalis"
sino pa ba kung hindi ang nanay nanayan ni Santi.
like mother like daughter parehong malakas ang loob na agawin sa akin si Santi
akala ba niya na nakalimutan ko na kung paano niya ako pinalayas sa bahay ni Santi ng malaman niya ang nangyari, hindi ko yun makakalimutan dahil yun ang isang dahilan kung bakit hindi na talaga kami nag kabalikan ni Santi.
Aaminin ko na nag kamali ako pero hindi ko intensyon ang masaktan si Santi ng ganun. Ng time na yun wala akong ibang dahilan kundi baka hindi na niya ako mahal pero huli na ang lahat ng marealize ko kung gaano niya ako kamahal.
Anlaking pag sisisi ko noon kaya nga ito ako at bumabawi ngayon.
"why would I listen to you Tita Rehina, kung sa bagay hindi na ako mag tataka kung hindi mo ako matanggap para kay Santi dahil noon pa man against kana sa pag mamahalan namin"
"against? Not until you betrayed him, hindi ba kasalanan mo kung bakit kayo nagkahiwalay ikaw ang sumira sa relasyon niyo and prinotektahan ko lang ang anak ko noon"
"Prinotektahan? kanino? sa akin? "
sigaw ko pa dito
ramdam ko ang pag higpit ni Sants ng hawak sa kamay ko
pero binalewala ko yun!
"Alam mo ang nangyari Debbie! ikaw at ikaw ang dahilan kung bakit nag mahal si Santi ng iba"
She yelled
come on!
so it's my fault now again? !
"I don't care, nandito na ako kaya babawiin ko ang akin and isasama ko ang asawa ko"
aniko
natingin ako kay Santi na nakatitig lang sa akin
"tayo na"
akmang hahakbang na ako ng makita ko si Saxia na nakahara sa dadaanan namin
"And who the hell gives you permission to take my husband "
seryoso ang tono niyang sabi
tumaas ang isang kilay ko habang mula ulo hanggang paa ko siyang tiningnan
"I don't need someones permission dahil asawa ko siya"
aniko
"not until we found out that he is my husband, kaya pwede ba bitawan mo ang asawa ko at umalis kana dito bago pa kita kaladkadin palabas ng bakuran ko"
walang emosyon ang mukha niya na aaminin ko nag papakaba sa akin
lumingon ako kay Sants na malumanay lang ang tingin para bang hudyat yun na ayaw niya ng gulo.
"Hindi ako aalis ng hindi siya kasama"
sigaw ko pa
ayoko isasama ko siya dahil ako naman talaga ang kasama niya akin siya!
"Oh talaga?"
nag lakad siya palapit sa akin at siyang hinaklit ang kamay ko kaya nabitawan ko ang kamay ni Sants
"No ano ba bitawan mo nga ako"
nag tititili kong sigaw habang bumibitaw sa hawak niya
"umalis kana bago pa kita ipa police! "
tinulak niya ako palayo kay Santi at siyang hinawakan nito
bakit ba wala siyang ginagawa?
bakit pakiramdam ko okay lang sa kaniya na ginaganito ako ni Saxia
"Sants hindi ba ako ang mahal mo, ako ito si Sash... "
"Shut up Debbie alam namin na nag papanggap ka lang"
"No you shut up! wala kang alam"
sigaw ko pabalik dito
"Ako!ako ang totoong nag mamay ari kay Santi ako ang una niyang minahal at ako lang ang mahal niya hindi ba Sants please"
naiyak ko ng sabi habang inaagaw ang kamay niya sa kamay ni Saxia
"Baliw ka na ngang talaga ano! alam mo nakakaawa ka kasi pilit mong inaangkin ang buhay ng may buhay, minsan mo ng inagaw sa akin ang mahal ko ang buhay na meron ako pero tandaan mo Debbie na hinding hindi na yun mauulit"
aniya
naiyak nalang ako ng malakas dahil sa mga sinabi niya lahat yun ay totoo!
At lahat yun pwedeng mangyari kapag hindi sumama sa akin si Sants.
pero ito ako at naniniwala na mahal pa rin niya ako dahil sa ligaw niyang ala ala
"kahit kailan Saxia hindi siya naging sayo, dahil ramdam ko yun sa bawat halik niya. The way he caressed my back while sucking my neck, the way he pleasure me that night ramdam ko yung pag mamahal niya sa akin"
hindi nakawala sa akin ang pag bitaw niya sa kamay ni Sants at mga mata na nag uumpisa ng mamasa
"No"
she said
"Yes, at sa akin lang niya yun kayang gawin dahil ako ang mahal niya"
I added
"Shut up"
She yelled
"That's the truth ang taong pilit mong binabalik sa buhay mo ay pag mamay ari ko at kahit kailan hindi magiging sayo"
sigaw ko pa dito
"I said shut up"
sigaw niya
akmang sasampalin niya ako ng humarang si Sants
and sa simpleng ginawa niyang yun alam ko na ako ang pipiliin niya
"Tama na"
anito habang nakatingin kay Saxia
hinawakan ko ang kamay niya
"How d-are you Erick! Lahat tiniis ko! lahat kinaya at inintindi ko, p-ara sayo pero this one, t*ng *na! pano mo yun nagawa!?"
galit na galit niyang sabi na halos sampalin na niya si Sants pero hindi niya magawa
Kita ko kung pano niya kayang pigilan ang sarili niya para lang hindi masaktan si Sants.
"Im sorry"
tipid niyang sagot
"Sorry? "
"Let's go Sants you don't need to explain yourself to her"
I said
"F*ck you! and ikaw talagang hindi mo nirespeto si Santi para lang sa kasiyahan mo talagang nakipag talik ka kahit alam mo na wala siyang naaalala"
galit na galit niyang sabi
natawa nalang ako sa naging reaksyon niya
ang sakit ba malaman na ang pinaka mamahal mo ay natikim ng iba habang ikaw nag luluksa sa kabaliwan ng kaibigan mo na ang balak ay agawin ka.
stupid!
"Kasalanan ko ba na ako ang gusto niya sa kama at hindi ikaw"
pang asar ko pa dito
"Hayop ka talaga"
hindi kaagad ako nakapalag ng hagipin niya ang buhok ko dahil hawak ako ni Santi
"Saxia tama na "
halos lahat ng nakapaligid sa amin ay inaawat siya ng magkaroon ako ng pag kakataon na makaganti kaagad na hinila ko ang buhok niya
"Akala mo hahayaan kita na masaktan ako"
"Papatayin kita bago mo makuha si Erick"
shs yelled
mas lumakas ang sabunot niya at mga sampal
Hindi ako nagpatalo kaya naman sinikmuraan ko siya
"Tama na ano ba"
natigilan ako ng haklitin niya ako palayo kay Saxia!
kita sa mukha niya ang pag aalala ng hawakan niya sa magkabilang pisngi si Saxia
the way he cares for her!
ako dapat yun e.
nasaktan din naman ako!
"Sants"
"Pwede bang tumigil kana Debbie"
sigaw pa niya
and sa pag banggit niya ng pangalan ko nakaramdam ako ng matinding takot!
takot na baka sa ginawa ko ay mas piliin niya si Saxia
kaya dapat makaisip ako ng paraan para makaalis na kami dito
"here water, okay kana? saan pa may masakit"
sa bawat tanong niyang yun hindi ko naiwasan ang pag patak ng luha ko sa mga tanong na yun parang unti unting pinupunit ang puso ko
"Sants"
muli kong tawag dito
tumayo siya ng ayos bago humarap sa akin
I saw how he hold her hand na parang ayaw ng pakawalan pa
Masasabi ko ngang nakakalimot ang isip pero ang puso hindi.
"Mabuti pa umalis kana Debbie, hindi ako sasama sayo dahil dito lang ako hanggang sa maalala ko ang lahat para malaman ko kung sino ba talaga ang tunay na nag sasabi ng totoo"
malumanay niyang sabi bago muling humarap kay Saxia
inalalayan pa niya ito na makapasok sa loob
Naiwan akong mag isa.
Ano bang meron sa babaeng yan at hindi malimot limutan ni Santi kahit pa naakdsidente na siya.
Hindi ko na hinintay pa ang magdilim kaya nagdesisyon akong umalis
pero hindi ibig sabihin nito ay hahayaan ko na siya kay Saxia
babalik ako at babawiin si Santi.
Saxia's POV
nakahiga ako sa kwarto dahil medyo masakit pa din ang tiyan ko at konting pasa sa braso.
walang hiya talaga ang Debbie na yun!
balak pang itakas si Erick na para bang pag mamay ari niya talaga yun.
Hindi ako papayag na magkahiwalay ulit kami dahil lahat gagawin ko para lang maprotektahan siya.
Pero sa sinabi niya kanina,hindi ko makuhang magalit kay Erick ng sobra na para bang kailangan ko din intindihin nalang kasi biktima lang din siya na hindi alam ang totoo at nadala lang sa mga sinasabi ni Debbie.
ang sakit malaman nun pero anong magagawa ko kung nangyari na
Hindi ko na namalayan na kumakawala na pala ang luha ko habang binabalikan ang nangyari kanina.
"Miss"
napahid ko nalang ang aking pisngi ng marinig ang boses niya.
sinubukan kong maupo pero bigo ako ng maramdaman ko ang sakit sa tiyan ko
"sabi kasing wag kana munang bumangon e, mag pahinga ka"
may inis pa sa boses niyang sabi
natitigan ko na lamang siya habang inaayos ang kumot ko
"Thank you"
I said
"ako nga dapat ang mag thank you"
he said
nakunot ang noo ko dahil wala naman siyang dapat ipag thank you
ako nga yung dapat nag tha thnak you kasi hindi siya sumama kay Debbie, hindi niya kami iniwan ni Chrism.
"Thank you Saxia for keeping me, thank you kasi hindi mo ako binigay sa kaniya. Honestly natakot ako kanina na baka mawalay ako sa inyo lalo na kay Chrism. Oo ngat wala akong maalala pero alam mo yung iba ang pakiramdam pag kasama ko kayo, pag kasama kita"
naiiyak ako kasi hindi ko alam ang isasagot ko, kasi hindi ko ineexpect na ganito ang sasabihin niya
"please, keep me"
he added
at doon na nga muling pumatak ang luha ko
natango tango ako sa sinabi niya at kahit masakit ang tiyan ko pag gumagalaw ay pinilit kong maupo.
nabuka ko ang aking mga hita habang nakasandal siya doon bago ko pinihit ng madiin para hindi na siya makawala sa akin
"I will forever keep you my husband"
malambing kong sabi
nag katitigan pa kami bago ko inalayan ng matamis na halik ng labi niya.
Mahal na mahal kita Erick kahit ano pa man ang mangyari.
hindi kita iiwan.
Sasamahan kita kahit pa hindi kana makaalala pa dahil pwede naman nating palitan ng panibagong ala ala na kasama na si Chrism,ang mahalaga naman ay yung ngayon na mag kakasama tayo.
"I love you Erick"
"I love you Miss"
nayakap ko nalang siya ng mahigpit.
paano na ako kung wala ka!
.
.
.
.
.
💚