Debbie's POV
nagising ako ng mabigat ang aking dibdib
namulat ako at nadatnan na nakahiga pala si Santi sa dibdib ko, sinuklay ko ang buhok niya gamit ang daliri ko.
mukhang mahimbing ang tulog niya ha, kung sa bagay kahit ako mahimbing ang tulog ko dahil sa masarap na hangin na nag mumula sa labas at dahil sa tunog ng dagat.
Ewan ko ba dito bigla nalang naisipan na magbakasyon, gusto daw kasi niyang makabawi sa akin kaya nag aya siyang mag dagat kasi sa dagat daw makakapag relax kami.
And mukhang tama nga ang idea niya dahil isang araw palang kami dito ay na eenjoy ko na at narerelax ako lalo pa at kasama ko siya.
marahan na tinanggal ko ang ulo niya sa dibdib ko bago iwan sa kama.
maaga pa naman din kaya hindi ko muna siya ginising alam ko na kailangan niya ng pahinga.
"Good morning Mam"
bati ng mga nakakasalubong kong staff
nangiti lamang ako sa mga ito bago lampasan gusto ko kasi magpahangin sa tabing dagat habang tulog pa si Santi kaya nauna na akong lumabas ng kwarto
medyo madilim pa pero kita ko na ang magandang dagat dahil sa konting liwanag na nanggagaling sa langit.
I loved watching the sunrise tho, ito ang ginagawa namin noon ni Santi,mga panahon na ako lang ang mahal niya.
habang nag lalakad ako sa tabing dagat may nakita akong isang babae,tahimik na nakaupo sa tabing dagat.
She's still wearing a pajamas with eye glasses and scarf.
deretso lang ang lakad ko ng tumayo siya pero na patid ako sa kahoy na hindi ko napansin.....
"okay ka lang? "
she asked habang nakahawak sa kamay ko
natingin ako sa mukha niya pero hindi ko masyado mamukaan pero may kahawig siya.
"Hmmm thank you"
ani ko
nakatayo na ako ng maayos dahil tinulungan niya ako, pinagpagan din niya ang tuhod ko na medyo nadumihan
"Okay na ako Miss salamat"
nahihiya kong sabi
"Next time wag ka mag lalakad sa dagat ng ganitong oras tapos wala kang dalang flashlight,ito oh"
may pag aalala sa boses niyang sabi tsaka inabot sa akin ang flashlight na hawak niya
hindi ko yun tinanggap pero pilit niyang inilagay yun sa aking kamay
"Okay lang miss ikaw naman ang mawawalan"
ani ko
inabot ko ito sa kaniya pero tinanggi niya
"Sanay ako sa dilim, iyo na yan gamitin mo para hindi ka matalisod. Mauna na ako"
she said
nagpatiuna na siyang maglakad.... hinatid ko siya ng tingin.
Yung boses niya na wari koy narinig ko na pero hindi ko makuha kung saan and the scent.
nailing iling ako sa naisip ko, bumalik ang tingin ko sa flashlight na binigay niya maliit lang ito pero malakas kung umilaw at malaki ang sakop na dilim.
nagpatuloy na ako sa pagalakad hanggang sa hindi ko na siya nakita baka nakabalik na sa room niya.
Naupo ako sa tabing dagat.... hinihintay ang pagsilip ng araw, ng panibagong araw.
"Debb"
someone called me
nagulat ako sa pag tawag na yun dahil wala namang nakakakilala sa akin dito sinigurado ko yun bago pa man kami mag bakasyon ni Santi dito.
And that voice!
Marahan na nalingon ako and laking gulat ko ng makita si.....
"M-orisse"
aniko
kaagad na natayo ako
"yes, remember me? long time no see "
malditang ngiti ang binigay niya sa akin
walang pinagbago ang babaeng ito kung ano mo siya unang nakilala ganun na talaga siya kaya siguro malabong magustuhan siya ni Santi.
"Yeah, a very long time that I almost forgot your voice"
I sarcastically said
hindi nakatakas sa akin ang pag taas ng isang kilay niya
"really? you look nervous the moment you recognized me right? Oh im too assuming tho... by the way who's with you? "
nalinga linga siya na parang may hinahanap
hindi niya pwedeng malaman na kasama ko si Santi at lalong hindi nila pwedeng makita si Santi gayong ang buong akala nila ay patay na ito.
"pinagpapawisan ka ata e malakas naman ang hangin"
humakbang siya palapit sa akin at pinunas ang pawis na nabuo sa aking noo
"don't touch me"
sigaw ko dito
natigilan naman siya pagkuway tumawa ng malakas
"Come on Debbie, bakit ba parang takot na takot ka sakin, are you hiding something do you? "
bulong niyang sabi sa akin
napalunok ako ng magkakasunod sa sinabi niya.
the way she talk parang may alam siya sa ginawa ko pero kailangan kong ikalma ang sarili ko
baka way niya lang ito para may makuhang impormasyon sa akin,nakita niya ba kami?
bakit ba kasi siya nandito?!
"No, ano naman itatago ko sayo my Dear Morisse baka ikaw ang may tinatago? "
I confidently said
inayos ko ang aking buhok na nakaharang sa mukha ko at tinuyo ang butil ng pawis na nasa noo ko
yung mukha niyang parang nag iisip
hindi ko mabasa ang nasa utak ng babaeng ito!
"Santi? "
seryoso niyang sabi
malakas na tawa ang pinakawalan ko sa sinabi niya.
"what so funny Deb"
may inis ang boses niyang sabi
tumigil ako sa pag tawa at tiningnan siya na parang awang awa ako
Should I used my acting skill to her
"I pity you Morisse"
naniningkit ang mata na tiningnan ko siya
"Imagine antagal ng wala ni Santi pero ito ikaw... umaasa na buhay siya? and please kung hindi ka maka move on wag mo akong idamay sa kabaliwan mo dahil daig ka pa ng tunay na nag mamay ari kay Santi .Stop playing victim to a game na ikaw din ang gumawa"
"I didn't do anything to harm anyone lalong lalo na si Santi"
she yelled
wooah I guess panalo ako sa kabaliwan niya
"Poor Saxia, imagine yung tinanggap niyang kaibigan ay siya palang pwedeng dahilan kung bakit nawala ang pinaka mamahal niya"
"Shut up Deb! "
she yelled
malakas na tawa muli ang pinakawalan ko dahil sa reaksyon niyang parang natatakot sa wala
"You know dear, Im a little bit curious and yes I want to know kung ano kayang magiging reaksyon ni Saxia ooops there's more pati pala ng mga kaibigan niyo"
I added
iniwan ko siyang namamasa ang mata dahil sa mga sinabi ko.
Mahirap basahin ang isip ng baliw na ito pero kuhang kuha mo kung saan mo siya pwedeng tirahin para matalo mo.
Hindi isang baliw na katulad niya ang makakapag paamin sa katulad ko.
And I won't let her ruined us.
kaagad na nagtungo ako sa kwarto namin, sinigurado ko na walang nakasunod and there natagpuan ko siyang kalalabas lang ng banyo.
"Oh Sash ang aga mo lumabas hindi mo ko ginising"
nag lalambing niyang sabi
patakbo na yumakap ako sa kaniya
"hey okay ka lang? may nangyari ba? "
nag aalala niyang sabi na may halong mahigpit na yakap
natatakot ako!
baka makita niya kami!
"W-ala, hmmn gusto ko na sana umalis dito hindi ko gusto ang ambiance Sants please"
Nag mamakaawa kong sabi
malungkot ang mata niyang nakatitig sa akin those eyes na nag aalala
tumango bilang pag sang ayon.
nakahinga ako ng maluwag dahil kahit paano ay naiintindihan niya ako.... I really do envy Saxia dahil lahat kayang gawin ni Santi para lang hindi niya makitang malungkot si Saxia.
True love right?
Mabuti nalang at hindi ko pa nalalabas ang mga gamit namin sa bag kaya maunti lang ang aayusin ko.
Nag pa room service nalang ako para mas safe walang makakakita kay Santi.
"Sash mag ayos kana ng gamit para makaalis na din tayo, nag pa book na ako ng flight"
"Okay, mag shower muna ako then ayusin ko na yung ibang gamit"
Masigla kong sabi nag tungo na ako sa banyo at naiwan siyang pinapatas ang maleta namin.
isang bag lang naman ang aayusin ko dahil nandoon sa maleta halos lahat.
Saxia's POV
kanina pa akong palakad lakad sa buong resort pero hindi ko makita si Morisse kanina pa nawawala ang isang yun e.
Sabi ko sabay kami mag breakfast e mag tatanghali na hindi ko pa din makita,nag paalam na aabangan daw niya ang sunrise e mukhang kanina pa akong sinusunog ng araw e.
nag stay din naman ako dito kaninang madaling araw pero hindi ko siya nakita or hindi ko lang napansin
natigil ako sa ilalim ng puno para makaiwas sa init.
"Morisse"
malakas kong sigaw
wala naman kasi masyadong tao dito kaya for sure maririnig niya kung magsisigaw ako
sila Yena nag hahanap sa loob,si ate Ky naman sa mga cafe and resto
"nasaan ka bang babae ka"
pasulyap sulyap ako sa tabing dagat pero hindi ko siya makita baka kanina pa yung nakaalis dito kasi mataas na din ang araw.
Kilala ko yun ayaw nun ng masyadong naiinitan at masisira daw ang kaniyang balat.
natigilan ako sandali ng matitigan ko ang dagat... andaming magagandang ala ala ang binigay ng dagat sa akin.
Naaalala ko na dito ko din sa dagat unang nakilala ang totoo kong ina
sa tabing dagat din si Santi umamin noon
grabe sobrang daming ala ala na hindi ko kayang kalimutan
Paano ko makakalimutan na ang dagat ang naging happy place namin ni Erick noon.
"The sea never gets tired of creating good music for everyone"
I whispered
"And the sea keeps us alive"
ani ng lalaki mula sa likod ko
His voice got me dahil kaboses niya si Erick
kaagad na nalingon ako pero nakatalikod na siya
ang likod niya.... hindi ako nagkakamali sa tindig niya na parang si
"Erick? "
malakas na tawag ko pero hindi ito lumingon
He's wearing a jogging pants and hoody!
not my Erick when it comes to clothes but the way he walk, stand and his voice paano ko ba makakalimutan yun.
"Erick"
muli kong tawag dito ng marealize na baka siya yun kahit imposible
hinabol ko siya....sinundan ko ang dinaanan niya pero nakaabot ako ng front desk wala na ang lalaki
bagsak ang balikat na natigil ako sa front door ng hotel
"baka masyado lang kitang namimiss love"
I whispered
"Mr. Santos this way po"
nang marinig ko yun para bang biglang bumagal ang pag galaw sa paligid ko
marahan na nalingon ako may kaba sa puso ko na nadarama, umaasa na siya ang tinawag ng lalaking iyon ng Mr. Santos....
"Sants let's go"
tawag ng babae na kaagad yumakap dito
I got stunned ng makita ang lalaking kanina ko pa sinusundan!
"S-anti? "
naiiyak kong sabi ng makaharap siya
para akong nang hihina ng makita siya
walang bakas ng gulat siyang tumingin sa akin... ngiti yun lamang ang naibigay niya sa akin na para bang hindi niya ako kilala
"Hi Miss, do I know you? "
He asked
nag silagpak ang mga luhang kanina pa namuo sa narinig ko
Hindi niya ako kilala?
"Let's go, baka nag kakamali lang siya Sants miss mauna na kami"
pag iwas ng kasama niyang babae
ramdam ko ang pagkakaba ng babaeng kasama niya, hindi ko ito kilala pero malakas ang kutob ko sa babaeng ito.
"Sandali! "
i yelled ng akmang maglalakad sila palabas
"Mam calm down"
pag awat ng mga staff sa akin
No!!!
Paanong buhay siya?
this can't be sabi ng mga rescue walang nakaligtas and that was clear to all of us.
I check the list ng mga nakasakay sa flight na yun and their names nandoon kaya paanong....
"shut up! you.... y-ou want me to calm down in this situation! seeing my husband is fully healed and alive with this bitch"
I shouted
halos lahat sila ay nakapalibot
they tried to stop me pero hindi ko maiwasan
natitigan ko ang lalaking nasa harapan ko
"Don't you dare make a scene here miss"
ani ng babae
natitigan ko mula ulo hanggang paa ang babaeng kasama niya kanina ko pa din iniisip kung sino nga ba ang babaeng ito!
Is she the girl na minahal ni Erick noon?
"who the hell are you? "
gigil kong tanong dito
"Miss enough you're too much, Saxia let's go"
pag awat ni Santi sa amin
Saxia?
"what did you just call her? "
I asked
nagtapon ng tingin sa akin si Erick
"Saxia, she's my wife miss"
his wife!
Saxia?!
that should be me!
Malakas na tawa ang pinakawalan ko sa sinabi niya.... that's me!
"you're insane"
aniya
"She's your wife because her name is Saxia right? "
i asked
"yes and siya lang ang asawa ko, Sash hindi ba? "
anito
natingin ako muli sa babae na inaangkin ang pangalan ko, ang mahal ko at ang buhay at saya na dapat sa akin
"really Miss Saxia, now tell me do you have a son? "
I asked
"Son? "
ani Erick
"Yes son, dahil ang kilala kong Santi at Saxia ay may anak na lalaki, and do you want to know kung anong pangalan ng anak nila, Chrism"
naiyak kong sabi sa harap niya
kita ko ang pag kagulat niya sa sinabi ko, natingin sa Saxia kuno na hindi makapaniwala
"No that's not true!will you please leave us alone"
sigaw niya sa akin na kaagad inawat ni Erick ng susugurin ako
"Sash stop ano ba! tell me, who is Chrism? "
tanong ni Erick
natitigan ko ang titig niya sa isang Saxia... titig na maypag aalala na dapat sa akin yun!
"Saxia"
pag tawag nila Yena sa akin ng makalapit
napahid ko ang aking luha ng makita sila
"Santi"
gulat na tawag ni Ate Cynde kay Erick
"Bro ikaw nga, buhay ka"
its Yena
"I knew it, ikaw nga ang nakita ko kahapon kasama si Debbie"
kunot noong sabi ni Morisse
Debbie?
"Debbie? "
ani Erick
"And wait why you called her Saxia? "
he added
nakatitig lang ako sa kaniya habang gulong gulo siya sa nangyayari
"Dahil ang pangalan niya ay Saxia, Santi ano ka ba kami ito ako si Yena, Ate Cynde, Morisse kami ito huyyy si Saxia hindi mo naaalala ang asawa mo? "
takadong sabi ni Yena
ano bang nangyari sa kaniya?
bakit... bakit ganito?
"Hindi.. Sash sino ba sila? Bakit tinawag ka niyang Debbie? sino ang babaeng ito na kina claim na siya si Saxia hindi ba ikaw si Saxia? "
gulong gulo nitong tanong sa isa
hindi ko kayang ganito ka Erick
pakiramdam ko nahihirapan ka na naman!
"Let m-e ex-plain Sants"
naiyak nitong sabi habang nakahawak sa kamay ni Erick
she's panting
"What tell me"
sigaw niya
bakit ganun, pakiramdam ko anlaking disappointment ang nakita ko sa mga mata niya.
pakiramdam ko mali na nakita ko siya
nag hiyawan sila ng mawalan ng malay si Debbie na kaagad kinarga ni Erick
Natingala ako para pigilan muli ang luha pero hindi ko na kinaya pa at nagsilandas ito
tumakbo ako palayo sa kanilang lahat dahil sa gulong gulo kong utak
naririnig ko ang tawag nila pero hindi ko yun pinansin.
Bakit hindi niya ako maalala?
Bakit hindi ko makita sa kaniya ang Erick na minahal ko!
bakit parang mali na nagkita ulit kami!
Ang sakit!
"Saxia"
naramdaman ko nalang ang yakap ni Morisse sa akin ng matigil ako sa tabing dagat
"Ang sakit.... ang sakit sakit"
tanging yun lamang ang lumalabas sa bibig ko habang nasigaw
"Saxia lakasan mo ang loob mo"
ani Yena ng makalapit sa amin
naiiling nalang ako habang yakap nila
Hindi ko alam kung paano lalaban!
bakit parang lahat ng sakit ng mawala siya ay bumalik and the worst is mas lumala!
hindi ko na alam!
💚